Monday , March 31 2025
Carlo Aguilar Cynthia Villar
ITINAAS ni Sen. Cynthia Villar ang mga kamay nina Las Piñas mayoral candidate Carlo Aguilar (kanan) at vice mayoral bet Louie Bustamante

Nagsimula na ng kampanya  
‘Bagong Las Piñas’ pangako ni Carlo Aguilar

LAS PIÑAS CITY – Opisyal nang sinimulan ni mayoral candidate Carlo Aguilar ang kanyang kampanya nitong Biyernes, 28 Marso, na may pangakong itaas ang antas ng Las Piñas tungo sa isang moderno at maunlad na lungsod matapos ang matagal na pagkaantala ng progreso sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. 

Sa isang punong-puno at mainit na pagtitipon sa San Ezekiel Moreno Parish Church sa C5 Extension, Barangay Pulanglupa Uno, ibinida ni Aguilar ang kanyang bisyon para sa isang “Bagong Las Piñas” —malayong-malayo sa tinawag niyang “Last Piñas” dahil napag-iwanan na aniya ang lungsod pagdating sa impraestruktura, ekonomiya, at serbisyong pampubliko kompara sa ibang siyudad sa Metro Manila. 

Nacionalista, Buong Suporta 

Dumalo sa campaign launch ang lahat ng lokal na kandidato sa ilalim ng Nacionalista Party, kabilang si Sen. Cynthia Villar, na tumatakbo para sa nag-iisang puwesto ng lungsod sa Kongreso. Kasama rin sa event ang mga barangay at SK officials, homeowners association officers, kababaihan, kabataan, senior citizens, at iba pang sektor ng komunidad. 

Sa kanyang talumpati, iginiit ni Aguilar ang kagyat na pangangailangan ng bagong pamumuno sa Las Piñas. 

“Dati, nangunguna tayo. Pero ngayon, napag-iiwanan na tayo! Siksikan pa rin sa kalsada, walang asenso ang ekonomiya, at hindi gumaganda ang ating serbisyo publiko. Oras na para sa isang Bagong Las Piñas!” 

Mariing tinuligsa ni Aguilar ang kanyang pangunahing katunggali — ang kasalukuyang bise alkalde — dahil umano sa kabiguan nitong magpatupad ng tunay na reporma. 

“Hindi tayo puwedeng makontento sa tatlong taon pa ng pare-parehong kapabayaan. Ang Las Piñas ay hindi lang apelyido — kailangan nito ng totoong liderato!” 

Aguilar: Tunay na Reporma, Hindi Trapo 

Ipinakita ni Aguilar ang kanyang konkretong plataporma na tutok sa modernisasyon, pang-ekonomiyang pag-unlad, at serbisyong panlipunan. 

Solusyon sa trapiko: Tanggalin ang ‘buhos system’; magpatupad ng digital monitoring sa Alabang-Zapote Road; wakasan ang talamak na pekeng friendship stickers; at ibalik ang color-coding exemption para sa mas maayos na daloy ng mga sasakyan.

Kontrol sa baha: Palakasin at palawakin ang drainage system; regular na paglilinis ng mga estero at ilog; magtayo ng flood control facilities;  at higpitan ang zoning laws kontra sa konstruksiyon sa flood-prone areas. 

Edukasyon: Taasan ang allowance ng mga iskolar; at magbigay ng tuition subsidy sa mga estudyanteng hindi makapasok sa city college.

Senior Citizens: Itatag ang local pension fund para sa 60,000 seniors.

Kalusugan: Libreng gamot sa health centers; palawakin ang green card benefits hanggang ₱45,000 kada taon; at tanggalin ang palakasan system sa serbisyong pangkalusugan.

Seguridad at kahandaan sa sakuna: Itatag ang 24/7 emergency hotline; palakasin ang barangay security; dagdagan ang fire trucks at hydrants; at magbigay ng libreng fire safety training. 

Trabaho at kabuhayan: Regular na job fairs katuwang ang pribadong sektor; zero-interest loans para sa small businesses; libreng training sa e-commerce at digital marketing. 

Taongbayan ang Bida

Sa kanyang panawagan, hinimok ni Aguilar ang mga botante, lalo ang kabataan at mga first-time voters, na lumaban para sa pagbabago. 

“Ang eleksiyong ito ay hindi lang tungkol sa pagpili ng lider, kundi pagpili ng kinabukasan ng Las Piñas. Kailangan nating lahat makilahok sa laban na ito!” 

“Sawang-sawa na kami sa mga pangakong napapako! Ang gusto namin, totoong pagbabago — at si Carlo Aguilar ang may dala nito,” ayon sa isang residente na dumalo sa event.  (30)

About hataw tabloid

Check Also

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

Kondisyon ng food, shipbuilding industry workers, sinipat ng TRABAHO Partylist

SINIPAT ng TRABAHO Partylist sa Navotas City ang kondisyon ng mga nagtatrabaho sa mga latahan …

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

IPRA mas palalakasin ng FPJ Panday Bayanihan

ISUSULONG ng FPJ Panday Bayanihan partylist ang ibayong pagpapalakas ng Indigenous Peoples Right Act (IPRA) …

Cajayon-Uy nanguna sa Caloocan 2nd district congressional survey — SWS

Cajayon-Uy nanguna sa Caloocan 2nd district congressional survey — SWS

MAYORYA ng mga botante ay iboboto si Mitch Cajayon-Uy, incumbent re-electionist ng 2nd District Representative …

4 patay sa 7.7 magnitude lindol sa Myanmar Bangkok, Hanoi nataranta

4 patay sa 7.7 magnitude lindol sa Myanmar
Bangkok, Hanoi nataranta

BANGKOK – Isang malakas na lindol ang naranasan ng Myanmar at ng kalapit bansang Thailand …

Alfred Vargas

Proyektong pangkabuhayan ni Alfred Vargas 4,500+ residente natulungan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAGUMPAYna aktor at prodyuser si Alfred Vargas. Kung ilan ulit na niya …