MALAKING suporta sa kandidatura ni Shamcey Supsup-Lee, sa Konseho ng unang distrito sa Pasig City at sa ARTE partylist, nang matanggap nito ang isang manifesto of support ng multi-sectoral na grupo.
Nagtipon-tipon ang pangunahing opisyal ng grupong kababaihan, kabataan at creative artist at grupo ng LGBTQIA sa Kalawaan covered court ng Barangay Kalawaan, Pasig City nang sama-samang nilang ipinahayag ang suporta para kay Shamcey at ARTE partylist.
Ipinarating ni Shamcey Lee ang kanyangbpagkalugod at sinambit ang kanyang walang pagtatanging paglilingkod para isulong ang batayang karapatan at kahilingan ng lahat ng sektor sa Kapasigan.
Sinabi ni Lee na ang pagkakaroon ng multi-sectoral collaborations ay mas malakas at may kakayahang lutasin ang mga sistematikong problemang kinakaharap ng bawat sektor.
Lahat tayo ay magkakaugnay at may dakilang tungkulin sa buhay na tulungan ang kapwa upang sama-sama nating makamit ang hangarin ng nakararami.
Ang ipinapakitang multi-sectoral formation sa pamayanan sa Kapasigan ay lalong nagbibigay sigla sa programa ng ARTE partylist na isatinig ang hangarin ng Malikhaing Filipino sa Kongreso, lahad ni Lee.
“Ang nahubog na sining at kultura sa ating kinapapaloobang sektor at pamayanan ay sama-sama nating pagyamanin katuwang ang ARTE Partylist para sa kinabukasan ng mga malikhaing Filipino sa bansa at maging sa pandaigdigan larangan,” diin ni Shamcey-Lee. (30)