Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jojo Mendrez Mark Herras

Jojo Mendrez tinapos ugnayan kay Mark Herras

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

WALA ng MarJo. Ito ang iginiit kahapon ni Jojo Mendrez matapos siyang iwan ni Mark Herras sa ere.

Noong Martes naglabas ng sama ng loob si Jojo ukol sa pang-iiwan sa kanya ni Mark sa 38th PMPC Star Awards na naganap noong Linggo sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Ani Jojo, nagpaalam lang sa kanya ang aktor na pupunta ng comfort room pero hindi na iyon bumalik. Nagtataka nga raw siya at napakatagal nitong bumalik gayong sa CR lang ang paalam. Kaya naman ipina-check pa niya si Mark dahil napakatagal nitong nawala. Pero wala ang aktor/dancer, umalis.

Sobrang nasaktan at na-offend daw si Jojo nang umalis ng walang paalam si Mark na kabilang sana sila sa mga magpe-present ng special awards.

Agad nilang tinawagan si Rainier Castillo para saluhin ang iniwang commitment ni Mark, buti na lang daw at nasa area lang ito ng venue ng event kaya pumayag ang aktor kahit pa biglaan ang invitation.

Sentimyento ni Jojo, sa kabila raw ng mga ibinigay niyang suporta at tulong kay Mark ay nagawa pa nitong iwan siya sa ere. At ang masakit pa rito, hindi man lang siya sinabihan na aalis na sa event.

Sa emergency presscon ng talent management ni Jojo na Aqueous Entertainment, inamin ni Jojo na bayad ang talent fee ni Mark sa lahat ng ginawa nilang collaboration, kabilang na ang duet nila ng kantang Somewhere in My Past.

May honorarium din si Mark sa mga special appearance kapag may live show si Jojo para sa promo ng kanyang nasabing kanta at ng bago at very first original single niyang Nandito Lang Ako. 

Iginiit pa ng singer na wala talaga silang naging relasyon ni Mark na higit pa sa pagkakaibigan at pagiging partner professionally.

Katunayan, rebelasyon pa ng management ng Revival King may utang pa ang aktor kay Jojo na aabot ng kulang-kulang P1-M.

At sa mga nautang daw ni Mark wala pang nababayaran ang aktor na ginamit umano sa pagbabayad at pagpapagawa ng bahay nila. 

Pero sinabi pa ni Jojo, wala silang balak na legal action sa usaping ito.   Hindi rin isyu ang pera, katunayan nagpadala pa siya ng letter kay Mark para magpasalamat at tapusin na ang kung anumang namamagitan sa kanila.

Inihayag pa ni Jojo na lahat ng ginawa niya kay Mark ay walang kapalit, pero siya na ang kusang lalayo para tuluyan nang buwagin ang MarJo at tapusin na ang chapter ng kanilang samahan at pagko-collab.

Mas gusto na lang ni Jojo na mag-focus sa kanyang singing career at napakarami pa raw niyang gagawing projects sa Star Music PH.

Bukod sa Nandito Lang Ako, kasado na rin ang pagre-revive niya sa tatlong hit OPM hits na I love You, Boy ni Timmy CruzPare, Mahal Mo Raw Ako ni Michael Pangilinan, at Tamis Ng Unang Halik ni Tina Paner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …