Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robb Guinto

Robb Guinto, hataw sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAKAHUNTAHAN namin recently ang magandang sexy star na si Robb Guinto at nalaman namin sa kanya na  kaliwa’t kanan ang projects niya ngayon, both sa pelikula at telebisyon.

Kuwento niya sa amin, “For now, I have new project para sa VMX, katatapos lang po i-shoot ang movie na ang title ay “Ligaw”.

“Ang role ko po sa Ligaw ay si Dolores… ang casts po ay sina Ali Asistio, JC Tan, and Rash Flores.

“Actually, ito po yata ang halos solo movie ko, kaya very thankful ako to Mavex for trusting me to do this project po and to direk Omar Deroca.”

Bukod sa pelikula, sunod-sunod din ang natotoka sa kanyang TV projects.

Sambit ni Robb, “Now po, isa po ako sa bagong cast ng Batang Riles. Ako po rito si Honey, ang love interest ni Kulot (Kokoy de Santos) and also new cast din po ako ng Pepito Manaloto, ako po rito si Vanessa. Ako po ang bagong receptionist ng bar ni Elsa.

“Nagge-guesting din po ako sa different shows ng GMA-7 like Tbats, Tictoclock, Your Honor and Bubble Gang, abangan po nila ako sa mga episodes nito.”

Pahabol ni Robb, “Add ko rin po pala Tito, itong Amazing Earth at All Out Sunday din po pala (naging guest ako).”

Ipinahayag din ni Robb ang kagalakan dahil hindi lang bilang sexy actress siya napapansin ngayon, kundi pati na rin sa iba’t ibang TV shows.

Aniya, “Nakatutuwa na ma-appreciate iyong ginagawa ko. Masaya rin akong makapag-share ng insights at experiences sa mas maraming tao.

“Medyo nakapapanibago po, pero thankful ako sa mga opportunities na dumarating sa akin, lalo na sa tiwala na ibinibigay sa akin. And of course, ang super thankful ako sa aking Viva family.”

Nabanggit din ng aktres na talent ni Lito de Guzman na nag-e-enjoy siya ngayon sa takbo ng kanyang showbiz career.

“Yes po, sobrang saya ko po sa nangyayari sa aking showbiz career at masasabi ko na this is my year. Kaya sa lahat po nang dumarating sa akin ngayong blessings, ayaw ko po itong sayangin,” masayang wika pa ng aktres.

Nagbunga na nga ang kasipagan at pagiging focus sa career ni Robb, kaya naman dumarating sa kanya ngayon ang maraming biyaya.

At ayaw palagpasin ng aktres ang pagkakataong ibinibigay sa kanya, upang makatawid sa ibang genre at maipakita na hindi lang sa pagpapa-sexy sa pelikula ang kaya niyang gawin.

Pero ang tanong, titigil na kaya si Robb sa paggawa ng mga sexy project sa VMX app?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …