Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Wilson Lee Flores

Sen Imee inamin matagal nang hindi sila nag-uusap ni PBBM

MATAGAL-TAGAL na rin palang hindi nagkaka-usap ang magkapatid na Imee Marcos at Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ang naibahagi ni Sen.  Imee Marcos nang maging special guest sa Pandesal Forum ni Wilson Lee Flores na ginanap sa Kamuning Bakery Cafe noong Biyernes.

Ani Sen. Imee matagal na silang hindi nag-uusap ng kanyang kapatid bago pa man magkaroon ng alitan sina PBBM at  VP Sara Duterte.

“I’ve tried very hard to maintain a relationship but it seems that we are being torn apart by many personalities and forces that have their own agenda. It’s a real­ly heartbreaking story for me.

“Ang totoo, hindi na kami nag-uusap, eh. Nakikita ko lang sa public places kung saan maraming tao at napakabilis lang,” pag-amin ng senatorial re-electionist.

Ibinuking pa ni Sen. Imee na bago pa man maupo bilang Pangulo ang kanyang kapatid ay nagkakaroon na sila ng tensyon.

“Dahil feeling ko, hinaharang ako, maraming sinasabi. At matagal na rin kaming hindi nag-uusap at noong pinipilit ko, naka-ilang beses din kami na nakipag-usap, parang wala namang nangyayari,” sabi pa ng senadora na lalong lumala ang hindi nila pag-uusap sa paglipas ng araw lalo na’t kinokontra niya ang ilang desisyon ng Malacañang.

“Lumabas na ‘yung issue ng budget. Napilitan akong tumayo tungkol sa budget ng 2025 na hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nilulustay ang pera samantalang ang dami nating kailangan sa agrikultura, ang dami nating kailangan sa pagbabaha, ang dami nating kailangan sa kalusugan,” esplika ni Imee.

At nasundan pa ng pagkontra niya sa impeachment ni VP Sara at itong pagtutol  niya sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng ICC.

Ukol naman sa kaibigang direktor na si Darryl Yap nasabi nitong, “hindi maawat eh.

“Kaya heto mag-ingat na lamang at mautak naman iyon (Darryl) dahil alam ko na kaya niyang labanan sa korte iyan at ipakita kung ano ang nararapat,” wika pa ng senadora.

Sa huling pinakaulat kay direk Darryl, naglabas na ang Muntinlupa court ng arrest warrant sa kanya na hindi naman natuloy sa pagkaka-aresto matapos nitong mag-post ng bail.

Kinompirma rin ng abogado ni Yap, si Atty Raymund Fortun na nag-post ng bail ang direktor para sa two counts of libel na nagkakahalaga ng P20,000. Nakatakda ang arraignment ni Yap sa March 26, 2025. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …