Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
No Firearms No Gun

Sa Paco, Maynila
25-Anyos gangster huli sa aktong nagbubuo ng pen gun

ARESTADO ang isang lalaking huli sa aktong nagbubuo ng isang improvised firearm sa kahabaan ng Nieto St., sa Paco, lungsod ng Maynila, nitong Sabado, 22 Marso.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si John Rixie Maage, 25 anyos, miyembro ng Sputnik Gang.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagpaptrolya ang mga pulis sa Syson St., nang lapitan sila ng isang lalaking residente at ipinaalam ang isang lalaking hinihinalang nag-a-assemble ng pen gun sa Nieto St.

Ipinaalam ng lalaki na ang suspek ay nakasuot ng pulang shorts, puting kamiseta, at may mga tattoo sa kaniyang braso.

Nagresponde ang mga awtoridad sa tinukoy na lugar at doon nila nakita ang lalaking tumugma sa paglalarawan ng residente.

Nang lapitan ang suspek, doon nila nahuli sa akto ang ginagawa niyang pagbubuo ng pen gun na hudyat upang dakpin siya ng mga pulis.

Nakompiska mula sa pag-iingat ng suspek ang pen gun.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act kaugnay sa BP 881 o Omnibus Election Code of the Philippines.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …