Wednesday , March 26 2025
Cecille Bravo Puregold CinePanalo Filmfest Co Love

Cecille Bravo, happy na naging part ng Puregold CinePanalo Filmfest ang kanilang movie na ‘Co Love’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

FIRST movie ng kilalang successful businesswoman at pilantropo na si Cecille Bravo ang Co-Love na isa sa entry sa on-going pa rin na Puregold CinePanalo Film Festival sa Gateway Cineplex, Araneta City, QC.

Tampok sa pelikula ang mga Kapamilya stars na sina Jameson Blake, Kira Balinger, Alexa Ilacad at KD Estrada. 

Mula sa pamamahala ni Direk Jill Urdaneta, ang Co-Love ay hinggil sa apat na vloggers na gagawin ang lahat para dumami ang views at followers, and in the process ay kumita sa socmed.

Gumanap dito si Ms. Cecille na isa ring vlogger, na auntie ni Jameson. Inusisa namin siya kung anong klaseng experience ito sa kanya bilang newbie actress at co-producer ng pelikulang Co-Love?

Esplika ni Ms. Cecille, “First time ko lang po mag-act, so, iyong experience rito sa Co-Love was very relaxed… very friendly kasi lahat ng tao rito. Especially lahat ng co-stars na I was able to worked with. Like iyong pamangkin ko ritong si Clyde (Jameson), all the time, kahit whole day siya, waiting… each time na kailangan siyang mag-shoot, I could see na mahaba ang pasensiya niya, he would always smile.

“So, lahat ng kasama ay ganoon din ang naging feeling, very relaxed nga at saka chill-chill lang. I’m so happy to do this role, kahit napakaliit lang.”

Paano siya napasali sa movie?

Aniya, “Napasali po ako sa project na ito because of RS (Raymond Francisco) and Direk Jill, since they are both my friends. When it was offered to Direk Jill, he was telling us, ‘Oy mga friends, come and join me, beat role lang’. And we said ‘yes’, So iyon na nga, napasali na kami sa  movie.”

Pinuri rin ni Ms. Cecille ang lead stars ng kanilang pelikula. “It was really lovely to meet both Jameson and Kira, they are always full of smiles. While waiting for their scenes, tahimik lang sila and if there would be people kahit from the production who would want to take pictures with them, they would gladly give in.  

“Madali silang kausap, never ko silang nakitang sumimangot or nagpakitang pagod, kaya I admired them, especially si Jameson, kasi kahit paano ay ka-eksena ko siya talaga, and Kira.”

Dagdag pa ni Ms. Cecille, “At si Jameson kapag nagsu-shoot siya, nakikita ko na when the director is giving him directions, nakikinig talaga at ang dali-dali niyang mag-emote at maka-relate kapag may scene na ibinigay sa kanya, kayang-kaya niyang gawin. So, basically if I will have a chance na magkaroon ulit to join a movie, it would be nice to have them around, kasi nga magaan silang katrabaho.”

Aminado siyang nag-enjoy sa pelikulang ito.

“Definitely, kasi nga ay hindi nakaka-stress. I was told, kung nagkaroon nga lang ako ng more time to shoot ay ako’y naging available at hindi naging busy, siguro mas mahaba-haba nang kaunti ang exposures ko.

“Nakakatuwa lang, however short it is, parang feel good lang na naging part ka ng Co-Love. Kasi itong movie, iyong atake is fresh and at the same time ay marami kang mapupulot na aral. Bawat isa may pinagdadaanan and how people deal with it, doon mo nakikita na iba-iba… There are people who are stronger in dealing with their problems. Iyong iba naman siguro ay hindi halata na they have problems. Pero lahat sila, natuto sa kung anoman ang sitwasyon na mayroon tayo sa buhay.

“Kaya masasabi ko siguro, in the future kung magkakaroon ulit ako ng acting stint, siguro gusto ko iyong hopefully, hindi drama. Iyong ganyan lang, na parang comedy-comedy lang,” nakangiting sambit ni Ms. Cecille.

Ipinahayag din niyang magandang proyekto ang Puregold CinePanalo para makatulong sa maliliit na productions at mga batang filmmakers.

“Very happy kami at ako, na napasama ang pelikula naming Co-Love sa Puregold  CinePanalo. All the people sa production, iyong nag-conceptualized, happy sila to be part of it and to be recognized. Dahil kahit paano ay nagkaroon ng three awards ang Co-Love, so hopefully in the future may maisali pa silang project dito sa Puregold CinePanalo.

“Kasi nga nabibigyan nila ng chance iyong iba, na sabihin na nating maliliit na productions, na talagang magawang movies iyong mga ideas nila. Marami tayong magagaling na artists, mga tao sa movies, lalo na rin iyong mga bagong writers. Doon makikita mo, ang gagaling, iyong mga ideas nila, masyadong malalim, very fresh. 

“Kaya sa awarding, talagang nakaka-impress, ang gagaling… even iyong mga nanalo na mga bata pa, pero ang gagaling na, ang gagaling umarte, talagang very natural lang sa kanila.

“So yes, God is good na may ganitong mga platforms ba ang tawag dyan? Na nakakatulong sa mga nagsisimula pa lang. Hopefully ay magpatuloy pa po ito, thank you,” masayang pahayag pa ni Ms. Cecille.

Mapapanood pa ngayon hanggang March 25 ang mga entry sa  Puregold CinePanalo Film Festival sa Gateway Cineplex, Araneta City, QC.

About Nonie Nicasio

Check Also

Jillian handang hintayin si Michael 

RATED Rni Rommel Gonzales TALAGA namang sumakses sa primetime ang tambalang MicJill o Jillian Ward at Michael Sager. Mula simula …

Herlene Budol Tony Labrusca

Tony at Herlene tandem kinakikiligan

RATED Rni Rommel Gonzales WINNER talaga sa puso ng viewers ang mga serye sa GMA Afternoon Prime! …

Bianca Umali Si Migoy ang Batang Tausug

Bianca Umali itinuturing na luho ang mga libro

RATED Rni Rommel Gonzales DUMALO si Bianca Umali sa Philippine Book Festival 2025 sa SM Megamall at nagbigay saya …

Jojo Mendrez Nandito Lang Ako 

Nandito Lang Ako ni Jojo Mendrez pwedeng maging themesong ng teleserye

MA at PAni Rommel Placente NAPAKINGGAN na namin ang latest single ng Revival King na …

Dingdong Dantes Marian Rivera

Marian aminadong sobrang selosa, ‘di palalampasin babaeng dumidikit kay Dong

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni Marian Rivera na talagang selosa siya noon, pero hindi raw …