Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sa Pagbilao, Quezon Usaping food at transpo allowance, tinalakay ng TRABAHO Partylist

Sa Pagbilao, Quezon
Usaping food at transpo allowance, tinalakay ng TRABAHO Partylist

PERSONAL na nakinig at naghain ng plataporma si TRABAHO Partylist nominee Ninai Chavez sa mga residente ng Pagbilao, Quezon noong 18 Marso 2025.

Sa tulong ni Vice Mayor Gary Alcala, naging matagumpay ang ginawang pakikipagtalakayan ng TRABAHO, numero 106 sa balota, sa mga taga-Pagbilao tungkol sa mga karagdagang benepisyong isinusulong ng grupo para sa mga manggagawa.

“Gusto rin namin [TRABAHO] ng karagdagang-benepisyo [para sa mga manggagawa,” sabi ni Chavez.

“Ano ba naman food allowance? Ano ba naman ang transpo [transportation] allowance? Malaking tulong na po sa atin po iyon,” dagdag niya.

Ayon sa nominee, ang kinikita ng mga manggagawa ay dapat may allowance para sila ay makapag-ipon, at upang mayroong  mahuhugot pambayad sa mga emergency expenses o hindi inaasahang bayarin.

Aprobado ang naging talakayan sa mga taga-Pagbilao na makikita sa isang video na nagstanding ovation habang isinisigaw ang “106 TRABAHO Partylist”.

Kamakailan ay ipinakilala rin nina Mayor Mark Alcala at Vice Mayor Roderick “Dondon” Alcala ang TRABAHO sa mga Lucenahin, na nagsilbing daan upang maipamahagi ang plataporma at legislative agenda ng nasabing partylist sa mga residente ng Lucena. Matapos ang talakayan sa Pagbilao, nag-courtesy visit muli ang TRABAHO sa kanilang mga opisina.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …