Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Itinatayong Pritil public market ‘di inutang ng Maynila – Lacuna

Itinatayong Pritil public market ‘di inutang ng Maynila – Lacuna

WALANG inutang ang pamahalaang Maynila sa pagpapatayo ng bago at modernong public market sa Tondo.

Ito ang ipinahayag ni Mayor Maris Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan matapos nang pangunahan ang groundbreaking para sa itinatayong Pritil Public Market na inaasahang matatapos ang konstruksiyon sa Oktubre 2026.

Ang bagong public market ay may sukat na 11,930 square meter floor area, may budget na P283.63  milyon.  Ito ay may 388 dry stalls, 281 wet stalls, dry storage and ice storage, parking area, roof deck para sa 114 cars at motorcyles, all gender and PWD public toilets, male public toilets, PWD  access ramps, sewage treatment, plant and waste facility storage. Mayroon din itong underground cistern para sa pagpigil ng baha habang ang tanggapan nito ay ilalagay sa roofdeck.

Binigyang diin ni Lacuna na ang pondo sa pagpapatayo ng Phase I ng infrastructure project ay  nagmula sa city’s special purpose appropriations para sa 2025  at walang inutang ang pamahalaang lungsod.

“This is the result  of our administration’s  award winning good financial housekeeping which we earned for  three straight years,” pahayag ni Lacuna.

Tiniyak ni Lacuna na gagawing affordable at rasonable ang upa sa mga puwesto para maialok ng mga vendors ang kanilang mga paninda sa murang halaga at ang occupancy rates para sa mga stalls at cold storage ay hindi magastos.

Nais ng Lungsod ng Maynila na makapaglingkod sa mga residente ng Tondo bilang kapalit ng nasunog na palengke noong 2023 na naging dahilan upang mawalan ng puwesto ang mga vendors. (BONG SON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …