Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Salum TM Malones Christine Mary Demaisip

Allen Dizon, solid performance sa pelikulang “Salum”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NORMAL na kay Allen Dizon ang magpakita nang husay sa lahat ng proyektong ginagawa niya.

Sa pagkakaalam namin, siya ang most awarded actor ng bansa. Hindi lang locally, kundi pati international filmfest ay kinikilala ang galing ni Allen bilang aktor dahil marami na rin siyang nasungkit na acting awards sa labas ng bansa.

Last Friday ay buena mano kaming nakapanood sa Puregold CinePanalo Film Festival sa Gateway Cineplex, Araneta City, QC. Napanood namin dito ang pelikulang tampok si Allen, titled Salum.

Dito’y nagpakita na naman ng kanyang exceptional acting si Allen, hindi OA, saktong-sakto lang, tamang-tama ang timpla. Sapat para maramdaman ng tulad kong tatay kung gaano niya kamahal ang nag-iisang anak na babae sa naturang pelikula.

Mula sa pamamahala ni Direk TM Malones, gumanap bilang dalagitang anak ni Allen si Christine Mary Demaisip sa naturang pelikula.

Ang newbie teen actress na si Christine ay pasado ang acting. Para sa baguhang tulad niya, mahusay ang performance ng bagets na ito sa kanilang pelikula.

Dahil nga sa husay na pagganap nina Allen at Christine, kapwa sila nominado bilang Panalong Aktor at Panalong Aktres sa filmfest na ito.

Co-nominees ni Allen dito sina RK Bagatsing (Fleeting), Khalil Ramos (Olsen’s Day), JP Larroder (Tigkiliwi), JC Santos (Journeyman), sina KD Estrada at Jameson Blake (Co-Love), at Enzo Osorio (Sepak Takraw).

Kasamang nominated sa Panalong Aktres ni  Christine sina Janella Salvador (Fleeting) at Ruby Ruiz (Tigkiliwi).

Si Allen bilang si Kosko ay isang diver o maninisid ng scallops sa Gigantes Islands, sa Iloilo. Siya ay iniwan ng asawa nang nagtrabaho ang misis niya sa Japan at may sariling pamilya na roon. Nag-iisang anak niya si Arya na tumutulong sa kanya sa pagsisid ng scallops na ang tanging wish lang sa kanyang 13th birthday ay magkaroon ng cellphone, kahit limitado lang ang may signal na lugar sa kanila.

Pero hindi kasya ang budget ni Kosko para mabilhan ng cp ang kanyang anak. Kaya dinoble niya ang sipag sa pagsisid ng scallops at tila naging obsessed na makakuha ng mamahaling perlas, nang nabalitaang may dating classmate siyang naging biglang yaman dahil dito.

Sa puntong ito, lalong nakita ang lalim ng acting ni Allen at ang kanyang husay bilang aktor dahil sa pagnanasang mabigyan ng magandang buhay ang anak at kahit na nang kaunting ginhawa man lang sa buhay.

Sa panayam namin sa kanya, nagpasalamat si Allen sa Puregold CinePanalo sa kanilang annual filmfest sa malaking tulong nito sa movie industry. 

Wika ng premyadong aktor, “First time ko rito sa Puregold CinePanalo, itong Salum at masasabi kong nakaka-proud na mapasali kami rito. It’s their second year at alam ko na marami pang magaganap na filmfest sila.

“The more festivals, the more movies na ginawa naming mga artista, mas natutuwa kami dahil marami ang nagkakaroon ng trabaho. Iyong mga co-actors namin, directors, staff and crew… So, ibig sabihin nito ay parang nabubuhay ang dugo ng pelikulang Filipino.”

Dagdag ni Allen, “Malaking tulong sa industriya ito, imagine may 8 o 7 films na entry rito, may mga short films pa mula sa mga students. So, para magkaroon sila ng budget for the films, for the whole festivals na ito, malaking tulong iyon sa mga kapwa natin at sa industriya natin.”

Incidentally, gaganapin ang Puregold CinePanalo 2025 Awards Night sa March 19 (Wednesday), 6 PM onwards sa The Elements at Eton Centris, Quezon City.

Ang Green Carpet Walk ay magsisimula nang 6:00 PM at Awards Night Program ay strictly magsisimula nang 8:00 PM.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …