Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Para sa mga bomber TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas mataas na sahod at maa

Para sa mga bombero
TRABAHO Partylist, nanawagan ng mas mataas na sahod at maayos na kondisyon sa trabaho

NGAYONG paggunita ng Fire Prevention Month sa buwan ng Marso, nanawagan ang TRABAHO Partylist para sa mas maayos na kondisyon ng pagtatrabaho at mas mataas na sahod para sa mga bombero sa buong bansa.

Binigyang-diin ng grupo ang panganib na kinakaharap ng mga bombero araw-araw at ang mahalagang papel na ginagampanan nila sa kaligtasan ng publiko.

Ayon kay TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu, kailangang itaas ang sahod at benepisyo ng mga bombero sa Filipinas.

Aniya, bagaman mahalaga ang kanilang tungkulin sa pagsagip ng buhay at ari-arian, hindi sapat ang kanilang kasalukuyang kita upang mapunan ang pisikal at emosyonal na bigat ng kanilang trabaho.

Sa kasalukuyan, umaabot lamang sa P29,000 kada buwan ang suweldo ng isang bombero —isang halagang itinuturing ni Atty. Espiritu na hindi sapat lalo sa kanilang likas na delikadong trabaho.

Dahil dito, isinusulong ng TRABAHO Partylist ang paglalaan ng pondo ng pamahalaan upang itaas ang base pay ng mga bombero at magbigay ng mas mataas na allowance para sa mga hazard-related duties.

Bukod sa pagtaas ng sahod, isinusulong din ng grupo ang mas malaking pondo para sa firefighting equipment, mas maayos na protective gear, at mas mahigpit na pagpapatupad ng workplace safety standards upang matiyak ang kaligtasan ng mga bombero habang ginagampanan nila ang kanilang tungkulin.

Ayon kay Atty. Espiritu, kinakailangang tiyakin ng pamahalaan na may sapat na suporta ang mga bombero upang mapangalagaan hindi lamang ang kanilang kaligtasan kundi pati na rin ang kapakanan ng mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …