MATABIL
ni John Fontanilla
SUPORTADO ng celebrity businesswoman at vice president ng Intele Builders and Development Corporation ang bagong negosyo ng kanyang pinsang si Lito “Mama Lits” Alejandria ang WASSUP Super Club, Resto Bar and Loounge sa 836 Galicia St., Brgy, 397 Sampaloc, Manila.
Kaya naman isa ito sa nag-cut ng ribbon last March 12 kasama ang mga ka business partner ni Mama Lits na sina Mia Pangyarihan (dating Sex bomb), Jayvee Sumagaysay (volleyball player), Thom A. Dacayo (chairman ng Barangay 397 Zone 41 District 4), at Ms Dianne (Councilor).
Hindi naman nakarating ang isa pang owner ng WASSUP Super Club na si Kapuso actor John Vic De Guzman dahil may taping.
Ayon kay Tita Cecille, “Sinusuportahan ko ang pinsan ko sa kanyang bagong negosyo, alam kong magiging successful ito lalo na’t maganda ‘yung lugar, masarap ‘yung food at okey ‘yung serbisyo.
“Sa tagal ng pinsan ko sa ganitong klaseng negosyo. Alam kong kayang-kaya niya ‘yan, basta lagi lang akong nandito para suportahan siya,” sabi pa ni Ms Cecille.
After ng ribbon cutting ay dumagsa ang mga tao sa WASSUP Super Club. Naging eapesyal na panauhin sina DJ Khael, DJ Julie, DJ Jimmy Nocon, DJ Sharlyn, at DJ Rotter.
Tiyak dudumugin ito ng mga kabataan, young professionals, at sa mahihilig mag party lalo’t maganda ang lugar, masarap ang pagkain at maganda ang serbisyo ng kanilang staff.