Monday , February 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

TRABAHO Partylist nanawagan nang mas malawak na PWD inclusivity sa trabaho

BILANG tugon sa mga hamon na kinakaharap ng persons with disabilities (PWDs) sa paghahanap ng trabaho, muling iginiit ng TRABAHO Partylist ang pangangailangan nang mas matibay na mga panukalang batas upang isulong ang mas inklusibong paglahok ng mga may kapansanan sa lakas paggawa ng Filipinas.

Sa kabila ng umiiral na mga batas, marami pa rin sa mga PWD ang nahihirapang makahanap ng regular na trabaho, kaya’t patuloy na itinutulak ng partido ang mga polisiyang tutugon sa mga hadlang na sistematiko at panlipunang stigma na humahadlang sa kanilang buong partisipasyon sa ekonomiya.

Ayon kay TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu, bagama’t may mga batas tulad ng Magna Carta for Disabled Persons na naglalayong magbigay ng oportunidad at benepisyo sa PWDs, nananatili pa rin ang malalaking balakid na kanilang kinakaharap.

Batay sa pag-aaral, marami pa rin sa mga PWD sa bansa ang nananatiling walang trabaho o ‘di kaya’y underemployed, na nagreresulta sa matinding kahirapan dahil sa kakulangan nang naaangkop na oportunidad sa trabaho, dagdag pa niya.

Binigyang-diin ni Atty. Espiritu na hindi sapat ang paggawa lamang ng mga legal na balangkas, kundi kailangang may konkretong solusyon at pagbabago sa pananaw ng lipunan.

Kasama rito ang pagbibigay ng mas maayos na impraestruktura, mas accessible na transportasyon, at angkop na pagbabago sa mga lugar ng trabaho upang matiyak na epektibong maisasagawa ng PWDs ang kanilang mga tungkulin.

Nanawagan din ang TRABAHO Partylist sa mas mahigpit na regulasyon ng PWD identification system, na madalas ay naaabuso. Ayon kay Atty. Espiritu, ang mga insidente ng paggamit ng pekeng PWD ID upang makakuha ng hindi nararapat na benepisyo ay nagdudulot ng kawalan ng tiwala sa mga programang nakatuon sa may kapansanan.

Ang pagpapatibay sa integridad ng disability identification system at pagtitiyak na ang tunay na nangangailangan ang makikinabang sa mga programa ng estado ay mahalagang hakbang patungo sa isang patas at epektibong sistema para sa PWDs, dagdag pa niya.

Bagama’t mahalaga ang access sa trabaho, ang tunay na pagsasama ng PWDs sa lakas paggawa ay nangangailangan ng pangmatagalang repormang estruktural upang matanggal ang diskriminasyon, mapahusay ang accessibility, at mapalakas ang isang tunay na inklusibong lipunan.

Ang pagbibigay ng pantay na oportunidad sa PWDs upang makapagtrabaho at makatulong sa ekonomiya ay isang mahalagang hakbang tungo sa isang mas makatarungan at inklusibong Filipinas, pagtatapos ni Atty. Espiritu.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Task Force Kasanag Dr John Chiong, DHum

Task Force Kasanag, Muling Nanawagan ng Mahigpit na Pananagutan sa mga Proyekto ng DPWH

Nagdaos ng press conference ang Task Force Kasanag (TFK) sa pamumuno ni Dr. John Chiong, …

Diego Jose Dimayuga Alaina Bouffaut

Dimayuga, Bouffaut kampeon sa National Age Group Triathlon Championships

SUBIC BAY – Nanguna ang Filipino-French na sina Diego Jose Dimayuga at Alaina Bouffaut ng …

World Karate One Youth League Manila 2026

Pilipinas, host ng World Karate One Youth League Manila 2026

MANILA — Isang malaking karangalan para sa bansa! Opisyal nang magho-host ang Pilipinas ng WKF …

Francis Ceccarelli Tallulah Proulx Winter Olympics

PH Team sa 25th Winter Olympics
Proulx at Ceccarelli, iwinagayway bandila ng Pilipinas sa Italya

BORMIO, ITALY – ibinigay ni Tallulah Proulx ang kanyang pinakamahusay sa women’s slalom event ng …

Digital Payment Money

Negosyanteng kidnap victim nasagip
Kidnappers natunton sa digital payment

ARESTADO ang tatlong suspek at matagumpay na nasagip ng mga awtoridad sa lungsod Quezon ang …