Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Sager

Michael apektado sa bashing, pinaghuhusay ang acting

RATED R
ni Rommel Gonzales

TULAD ng ibang artista o celebrity ay nakatatanggap din ng pamba-bash ang Sparkle male star na si Michael Sager.

“Mayroon naman po,” bulalas niya.

Ano ang pinakamasakit na bashing ang dinanas niya?

“‘Yung mga pinakamasakit… well, hindi ko naman ina-allow na masaktan ako nang todo. But of course, hindi mo maiwasan, I mean, I’m just human.”

Halimbawa ay ano?

“About my acting.

“Siguro that’s something I’m very careful about. Kasi ‘yung acting ko, iyon ‘yung ginagawa ko, iyon ‘yung craft ko.

“So I don’t really take it in such a negative light, I just look at what I have to look at and accept.

“Sinabi rin ni sir Erickson (Raymundo) sa akin, ‘yung manager ko sa Cornerstone, ‘When you look at bashers, para hindi ka ma-stress, ‘yung nababasa mo, if important talaga, it will reach you,’ and that really affected me.

“Kasi siguro, instead of focusing on the negative stuff, minsan madadala ka, eh.

“So ako, kung may criticism, yes, and then positive na lang para mas magtuloy-tuloy na lang ‘yung energy.”

Co-managed si Michael ng Cornerstone ni Ericson Raymundo at ng GMA Artist Center Sparkle.

Sa Prinsesa ng City Jail ay may mga shirtless scenes si Allen Ansay. Si Michael ay mayroon din sa My Ilonggo Girl. Magkaibigan sina Michael at Allen.

“Si Allen, proud ako sa kanya, nakasama ko ‘yun sa ‘All Out Sundays’ and tuwang-tuwa ako sa kanya, and ako naman po, nagwu-work out ako everyday para sa show na ‘to,” at tumawa si Michael.

Si Michael ang leading man ni Jillian Ward sa My Ilonggo Girl. 

Bukod kina Michael at Jillian ay tampok sa serye sina Teresa Loyzaga, Arra San Agustin, Lianne Valentin, Arlene Muhlach, at si Ms. Carla Martinez.

Nasa serye rin sina Empoy Marquez, Yasser Marta, Richard Quan, Andrea del Rosario, Vince Maristela, Patricia Ismael, Yesh Burce, at ang mga Sparkle young star na sina Sabreenika Santos at Geo Mhanna.

Sa direksiyon ni Conrado Peru napapanood Mondays-Thursdays, 9:35 p.m. sa GMA Prime at sa GMA Pinoy TV abroad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …