Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mobile Legends TNT P10 8 hrs

Hanggang saan aabot ang P10 mo? Walong oras na Mobile Legends sa TNT!

MADALAS ka pa rin bang magbayad ng WiFi o kumonek sa internet shop para lang makapaglaro ng Mobile Legends: Bang Bang (MLBB)? 

Pwes, hindi mo na kailangang gawin iyan dahil ‘di hamak na mas makaksusulit ka sa TNT Panalo 10 – ang mas pinasulit na offer ng TNT na mayroong 300 MB, 60 minutes of calls, at 60 texts messages to all networks – valid for 1 day sa halagang P10 lang. 

Opo, sobra-sobra pa nga ang 300 MB para sa MLBB dahil ang dalawang oras na paglalaro nito ay kumakain lamang ng 5 MB. Samantalang, umaabot lang ng 17 MB ang mga practice session ng mga esports player na tumatagal hanggang walong oras.  

Ibig-sabihin, bukod sa buong araw na paglalaro ng MLBB, pwede pang gamitin ang natitirang data para sa ibang online activities tulad ng pagbabasa ng tips at gameplay sa online forums, o kaya naman ang panonood ng mga livestream ng iyong mga paboritong gamers, at marami pang iba.

At dahil may kasamang 60 minutes of calls at 60 texts to all networks ang TNT Panalo 10, mas madali na ring magyaya ng mga katropa para maglaro kahit saan at kahit kailan. 

Para mag-register sa TNT Panalo 10, mag-log in lang sa Smart App o sa inyong mobile wallet, mag-load sa suking tindahan, o i-dial ang *123# sa iyong smartphone.

Isa lamang ang TNT Panalo 10 sa mga mas pinasulit na data, call, at text offers na handog ng TNT sa nalalapit na 25th anniversary celebration nito. Mas pinalawak at pinalakas din ng TNT ang network nito sa buong bansa para patuloy na magbigay-saya sa mas maraming Filipino.

Abangan ang iba pang mga exciting na promo at pakulo ng TNT sa 25th anniversary nito! Para hindi mahuli, siguraduhing i-follow ang official TNT accounts sa Facebook, TikTok, YouTube at X!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Net Kanda Lea Salonga

Thai singer/actress napaiyak nang makita si Lea

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang maiyak ng Thai singer/ actress na si Net Kanda nang makita at …

D GRIND Presentsm D PURPOSE 2026 MANILA

D’GRIND Presents…D’ PURPOSE 2026 MANILA

MATABILni John Fontanilla MULING magkakaroon ng dance workshop at recital ang nangungunang dance group sa …

Emma Tiglao

Emma Tiglao sinabihang ‘makapal ang mukha,’ management ng resto nag-sorry

MATABILni John Fontanilla NABASTOS daw si 2025 Miss Grand International Emma Tiglao ng isang waiter na tinawag siya …

Mama Emma Janna Chu Chu

Mama Emma, Jana Chu Chu wagi sa Dangal ng Pinas 2026!

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong iparating ng Barangay LSFM 97.1 DJ na si Mama Emma sa pamunuan ng Dangal …

 Joel Lamangan All About Her

Direk Joel sa pagdidirehe ni Coco—May mata siya, marunong mag-position ng camera

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISA sa magagaling na direktor si Joel Lamangan kaya naurirat namin ito ukol …