Monday , February 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofronio Vasquez

Sofronio Vasquez sa kanyang lovelife — Kung sino man ang nagpapasaya sa akin, I am just happy

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAKI ang pasasalamat ni The Voice US Season 26 champion, Sofronio Vasquez sa pagpirma niya ng exclusive contract noong Martes sa Star Magic. Kasama sa pirmahan sina ABS-CBN Chief Operating Officer Cory Vidanes, TV Production at Star Magic Head Laurenti Dyogi, at Head ng Polaris si Reily Santiago.

I’m just super blessed to be given this opportunity,” unang sambit ni Sof sa contract signing na ginawa sa Studio 2 ng ABS-CBN.

“I always say this has been my dream to be recognized and now given the recognition, I’m sitting with the bosses of ABS-CBN and kanina nga sa rehearsals, pwede naman sa cafeteria lang kami magpirmahan,” dagdag pa ni Sof.  

Sobra po akong nagagalak sa pag-welcome sa akin. Since this has been the dream of everyone. Most of the dreamers out there ay nawawalan ng pag-asa, you just keep going. The dream itself really fought for me, with the music in my heart. It’s my passion really. 

 “Hindi ko po sasayangin ‘yung pagkakataon,” giit pa ni Sof.

Samantala, natawa si Sofronio nang uriratin ang tungkol sa kanyang lovelife.

“Kung ‘yung lovelife ang pag-uusapan, sobrang blessed na ako kasi I am just happy now,” panimula nito.

At saka sinabing mas gusto niyang huwag mag-open up ukol dito dahil ano naman ang sabihin niya, may magkokomento pa rin ng hindi maganda.

“Whether sabihin ko sa inyo kung may jowa ako, hindi kayo maniniwala, sabihin kong wala akong jowa, hindi kayo maniniwala. So, I just want to say na I am happy right now,” tsika pa ni Sofronio.

“Kung sino man ang nagpapasaya sa akin, I am just happy!” giit pa ng Star Magic artist.

Ibinahagi rin ni Sof ang natanggap niyang offer mula sa UK production ng hit musical na Miss Saigon. 

“I am so excited to share this to everyone na I am offered sa ‘Miss Saigon’ sa UK but I have to figure it out kasi mukhang masikip na talaga iyong dates.

“Isa sa mga nagbukas na pangarap sa akin is to be in a musical kasi maganda rin siya,” sabi pa ni Sof na ang role na inialok sa kanya ay si Thuy. 

“I  am offered a role. I think it’s an Asian, Vietnamese na role. I think it’s Thuy. May nagca-cast sa akin. Nagbigay na sila ng dates. Technically, parang kakanta na lang ako roon. Sana magawan ng paraan.

“If ever naman kung hindi, I am just blessed na kumbaga may chance pala and I will not close doors sa musical play.

“First time ko siya i-share sa lahat. It’s really true and I am super blessed kaso lang with the line of shows that I have, it’s going to be hectic talaga.

“I’ve already asked one artist an nakapag-try doon, Mr. Mark Bautista, kung paano roon,” sabi pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Michael Navarro Alvin Aragon Sexbomb Izzy Trazona Andrei Sofia Trazona

Alvin nagseselos daw sa tatay ni Sophia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT si Dingdong Dantes ay balitang nag-react din sa eskandalosong mga statement ni Alvin …

Jose Manalo Jerald Napoles Kim Molina

Jerald naging host ng Eat Bulaga!…sa panaginip

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL Wonderful Nightmare ang titulo ng upcoming film nina Kim Molina at Jerald Napoles, natanong sila …

Aiko Melendez Onemig Bondoc

Aiko, Onemig sinopla netizens na kumukuwestiyon sa kanilang relasyon

RATED Rni Rommel Gonzales INALMAHAN nina Aiko Melendez at Onemig Bondoc ang mga namba-bash sa kanilang relasyon, na kesyo …

Ralph Dela Paz

Actor/negosyanteng si Ralph Dela Paz sunod-sunod proyekto ngayong 2026

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang actor/businessman na si Ralph Dela Paz dahil matapos itong mag-shoot ng kanyang …

Gladys Reyes Caprice Cayetano Heath Jornales

Gladys kinilig kina Caprice at Heath

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang kinilig sa impromptu acting nina Caprice Cayetano at Heath Jornales. Kitang-kita kasi …