Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Belle Mariano Cathy Garcia-Sampana

Belle Mariano, direk Cathy Sampana magsasama sa isang pelikula

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

CLOSE pala si Belle Mariano kay direk Cathy Garcia-Sampana kaya naman itinuturing niyang malaking oportunidad na makatrabaho ang magaling na direktor.

Inireport ng ABS-CBN News ang ukol sa collaboration nina Belle at direk Cathy para sa isang full length feature film.

“Ako po kinakabahan. All I can say is this is gonna be a star-studded film, I’m gonna be with artists who I really look up to in the industry and working with Direk again it’s really such an honor ‘coz I know every step of the way, I will learn from Direk and with other artists as well,” ani Belle sa interbyu ng ABS-CBN News at nang magkita ang dalawa para pag-usapan nga ang ukol sa proyekto kasama ang executives ng ABS-CBN Films.

“Si Belle kasi closer to me kasi RISE artist. I did several workshops, but mayroon kaming mga mentoring, doon ko siya unang nakilala. And when ‘He’s into Her’ was being developed, nagme-mentor din ako kay Chad (Vidanes), I was part of the conceptualization. Kaya hindi makakaila ni Belinda na ako ay nasa likuran niya noon pa,” sambit ni direk Cathy.

Sinabi pa ng direktor na ngayon ang tamang oras para maipakita ang full potential bilang aktres.

“Sabi niya, never pa niyang nakatrabaho ‘yung ibang makakatrabaho niya rito, so it excites me paano kaya ‘yung dynamics sa set. Tapos kasi ito baby kasi ito, laging naka-ano kay direk, ano bang gagawin? Siyempre ngayon na mas batikan na ‘yung mga katrabaho niya, tingnan natin kung lalapit-lapit pa siya. Roon na siya sa mga batikan na lalapit at hihingi ng tips mga ganyan,” sabi pa ni direk. 

“It’s my first time na I’m doing a film na with direk. For a while I’ve been working with Donny for so long and this is the first time na gagawa ako ng film on my own and I would say it’s growth. 

Something scary but I’m really excited for it,” ani Belle.

Natanong si direk Cathy kung nape-pressure ba ito para malampasan ang record-breaking success ng kanyang pelikulang Hello, Love, Againsumagot ito ng, “Dapat hindi, ang unfair.

“Hypocrite naman kaming hindi isipin na wina-want namin na kumita ang bawat pelikula, but we always make it a point na hindi siya ang primary goal namin when making a film.

“We always make sure lang na maganda ang pelikulang ito, makapagbibigay tayo ng good values sa mga manonood, mare-represent natin ‘yung Pinoy families, principles, world views, most importantly, alam ko ‘yung obligasyon ko sa manonood.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …