Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sofronio Vasquez Elijah Canlas Lauren Dyogi Cory Vidanes Rylie Santiago

Sofronio Vasquez feel gumanap si Elijah Canlas sa kanyang life story 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

EXCITED!” Ito ang masayang inihayag ng The Voice USA Season 26 champion na si Sofronio Vasqueznang i-announce sa Dream Come True signing contract niya sa Star Magic at ABS-CBNkahapon para ipalabas ang makulay at inspiring life story niya.

Kung makailang pagpupunas ng luha ang nangyari sa contract signing ni Sof dahil sa mga magaganda at sunod-sunod na nangyayari sa kanyang career ngayon. At kasabay nga ng pagpirma niya ng kontrata kahapon sa Studio 2 ng ABS-CBN ay ang announcement ng pagpapalabas ng kanyang inspiring life story.

Excited talaga ako. Hindi ko ine-expect na pwedeng sabihin. 

Pero more than the real life story, sobra akong nae-excite kasi kung ano iyong maipakikita nila ng buong ABS-CBN, I am just so excited na, tingnan mo dati napapanood ko na sa TV ngayon sarili ko nang istorya. 

Kaya thank you, thank you,” masayang nasabi ni Sof kasama sa contract signing ang mga Kapamilya Network bossing na sina Lauren Dyogi, Cory Vidanes, at Rylie Santiago.

At kung papipiliin si Sof sa kung sino ang gusto niyang gumanap sa kanyang life story, sinabi nitong si Elijah Canlas.

“Actually, nagkaroon na kami ng mga meeting, mayroon ng briefing, storytelling. Mayroon na ring interview. And tinatanong ako kung gusto kong umarte?

“Kaso, natsa-challenge ako. Sabi ko gusto ko na lang kumanta. Pero kung balak talaga nilang ipasok ako, sa ‘Batang Quiapo’ na lang kahit na mafia ang role ko.

“Huwag lang ‘yung iyak-iyak kasi hindi ko yata kaya.

“Pero hindi ko alam. I mean everything now is a possibility,” sambit pa ng singer.

“I am so hooked up with the teleserye now, ‘yung ‘Incognito.’ So sana mabigyan ako ng pagkakataon…Elijah Canlas. That would be exciting. He’s very good in acting,” sabi pa ni Sof.

Bukod sa pagpapalabas ng life story, marami pang nakalinyang project si Sofronio sa mga susunod na buwan bilang Star Magic artist. Kasado na rin ang mga gagawin niyang shows dito sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo.

At sa pag-welcome ni direk Lauren kay Sof, pinasalamatan niya ito. Anito “It was not only your dream. It was the dream of every Filipino artists. To prove to the world continuously na mahusay kang mang-aawit. At maraming salamat dahil ikaw ang simbolo ng mga pangarap na iyon. 

“And I know in our hearts na nakita rin namin na umuwi ka rito na pwede ka namang manatili roon pero you opted to be coming here to be share your victory in celebrating with your countrymen, mga kababayan natin dito na patuloy na ipinakikita sa lahat na kung nagawa mo kaya rin. 

“Thank you, thank you. Thank you for not giving up, thank you for continuously fighting not only for your dream, your dream for your family your dream for the nation and also the ABS-CBN. 

“Gusto naman talaga namin na patunayan na magaling talaga ang husay ng isang Filipino artist.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …