SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
LOVE at first sight, pagbubuking ng tumatakbong senador na si Atty Francis “Kiko” Pangilinan sa sarili sa interbyu sa kanya ni Toni Gonzaga sa Youtube channel nitong Toni Talks ukol sa kung paano nagsimula ang love story nila ni Sharon Cuneta.
Tila kinikilig pa rin si Kiko sa pagbabahagi ng kanilang lovestory ni mega.
Aniya, “She was a gust promoting one of her movies, and I was completely starstruck. I thought myself, ‘do I even have a chance?’”
Una niyang nakita si Sharon sa Hoy Gising shownang kunin siya ng ABS-CBN para maging co-host sa legal talk portion nito.
At nakuha ni Kiko ang matamis na yes ni Sharon dahil aniya. “I kept showing up, making her laugh and eventually she said yes.”
Ang pangyayaring ito ang maituturing ni Kiko na best plot twist sa kanyang buhay na bagamat natalo sa politika (tumakbo siyang representante sa Quezon City) waging-wagi naman siya sa love. “That’s the best plot twist of my life,” anang tumatakbong senador para sa May 2025 election.
Pero bago ibinahagi ni Kiko ang ukol sa kanila ni Sharon, sinabi muna nitong childhood dream niya ang maging astronaut.
“I watched the Apollo moon landings, and I was hooked,” nangingiting pagbabalik-tanaw ng mister ni Sharon.
“I told myself, ‘one day, I’m going to be an astronaut.”
Subalit nabago ng tadhana at adventure ang pangarap niyang ito. Mula sa pagiging astronaut, mas naging gusto niyang magsilbi sa kapwa.
“I realized that while I couldn’t reach for the moon, I could still make a difference here on earth.
“And that’s when I started to think about leadership and service.”
At natutunan niya ang pagtulong at paghubog ng magandang kaugalian mula sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay isang civil engineer, entrepreneur samantalang isang dedicated public school teacher naman ang kanyang ina na involve sa community work.
“My dad showed me the value of hard work and perseverance, a deep love for country, a sense of duty to help those with less, while my mom taught me compassion, service to others and the power of prayer,” emosyonal na wika ni Kiko.
“I saw my mom help students and neighbors without expecting anything in return.
“It was her quiet leadershio that made me realize that you don’t need a title to serve. That’s where my journey began,” pagbabahagi pa ng senador.
Kaya naman isa ito sa dahilan kung bakit ang pangarap na maging astronaut ay unti-unting nawala.
Napag-usapan din nina Kiko at Toni ang ukol sa advocacy sa mga magsasaka ng una. “I didn’t start out in politics thinking I’d focus on agriculture,” pag-amin ni Kiko. Pero dahil sa isang bagyo, nasira ang pananim ng kanilang bukirin. Halos lahat ng tanim doo’y wala silang napakinabangan.
“I experienced firsthand what farmers go through and it changed me,” anito.
Kaya naman ang pangyayaring iyon ang naging daan para magising siya para ipaglaban ang agricultural reforms. “It’s not just about food security, it’s about justice for our farmers.
“Their struggle became my fight.”
Kaya naman ngayong Mayo, handang-handa nang bumalik si Kiko sa senado.
“I’ve served without any taint of graft or corruption,” giit ni Kiko.
“I believe in integrity, and I think the Filipino people are looking for leaders they can trust.”
Idinagdag pa ng mister ni Sharon, “I still have dreams for this country. I want to fight for our farmers, improve education, and bring about good governance.”