Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Coco Martin FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares Grace Poe

FPJ Panday Bayanihan, may Malakas na Pagtangkilik mula kay Coco Martin

PANGASINAN – Inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan partylist sa darating na midterm elections.

Kasama ng Batang Quiapo star si Sen. Grace Poe at ang mga nominado ng grupo na pinangungunahan ni Brian Poe na nag-motorcade sa bayan ng Calasiao, Dagupan, Sto. Tomas, Basista, at San Carlos.

“Itinuturing ko na pong pamilya ang mga Poe. Ang aking Ate Grace ay isa sa mga taong hinahangaan ko pagdating sa serbisyo publiko. Ngayon naman, ang kanyang anak na si Brian Poe ang magpapatuloy nito,” ani Martin sa proclamation rally ng partylist sa San Carlos City.

“Hinihingi ko ang tulong ninyo na suportahan natin ang FPJ Panday Bayanihan party-list sa darating na halalan,” dagdag nito.

Kasama ni Brian Poe sina Mark Patron at Hiyas Dolor bilang pangalawa at ikatlong nominando ng FPJ Panday Bayanihan partylist. Si Patron ay anak ni San Jose, Batangas Mayor Ben Patron, habang si Dolor naman ay asawa ni Mindoro Governor Bonz Dolor.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon ng FPJ Panday Bayanihan na tumakbo bilang partylist simula nang itinatag ito noong 2013.

Ang grupo ay naging kilala sa kanilang mga relief program sa mga nangangailangan tuwing may kalamidad, ngunit higit pa rito ang layon ng partylist. Nais ng FPJ Panday Bayanihan na magsulong ng mga repormang nakatuon sa isyu na talagang nakaaapekto sa mga pangunahing sektor ng lipunan—mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, mga kabataan, mga informal sector at mga frontliner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …