Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Catriona Gray Sam Milby

Sam Milby kinompirma hiwalay na sila ni Catriona

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGSALITA na si  Sam Milby ukol sa paghihiwalay nila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray. Nangyari ito sa  mediacon ng ABS-CBN series na Saving Grace na pinagbibidahan din nina Sharon Cuneta at Julia Montes.

If you want to ask if we are okay, we are okay. Wala kaming problema,” ani Sam sa panayam ng ABS-CBN correspondent na si MJ Felipe

Isang taon na ang nakalipas nang mabalita ang tungkol sa break-up nina Sam at Catriona pero ngayon lang nagsalita ang actor ukol dito.

Nang tanungin kung sila pa ba ni Catriona, ang mabilis na sagot ng aktor, “No.”

Kami ni Cat, we’ve always been private about our relationship. We share certain things noong na-engage kami, but in terms of the details, and buhay namin, we haven’t really shared,” sabi pa ng binata.

If you wanna ask her what she was feeling, I can’t speak for her. I know that we’re okay, kahit after niyong concert I said, I’ll go to the backstage. ‘Cause we’re okay,” ani Sam na spotted sila ni Catriona sa concert ni TJ Monterde.

Sinabi pa ni Sam na patuloy siyang nasa proseso ng pagmu-move on sa break-up nila ni Cat, “Focusing on work, just growing.”

Hindi agad isinapubliko ni Sam ang ukol sa kanilang break-up ni Catriona dahil ani Sam pareho nilang gusto ng beauty queen na maging pribado.

We share certain things noong na-engage kami. But in terms of the detauks and buhay namin, we haven’t really,” wika pa ng aktor.

Nilinaw pa ni Sam na hindi totoong may third party kaya sila naghiwalay ni Catriona.

There was never a third partt sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it all.

“It makes me sad. May babala ako sa mga tao. Please, mag-ingat kayo sa mga nakikita niyo online,”sabi pa.

Samantala, madudurog ang puso ng sambayanang Filipino dahil buong-buo nang mapapanood ang Saving Grace: The Untold Story, tampok ang ilang mga bagong eksena sa primetime TV simula Marso 3, 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Handog ng Saving Grace: The Untold Story ang ilan pang mga makabagbag-damdaming eksenang hindi pa ipinalalabas noong nag-premiere ito sa Prime Video, na  namayagpag bilang numero unong show. 

Napukaw ang damdamin ng mga manonood ng serye dahil sa mahusay na pagganap ng cast sa kuwentong sumasalamin sa mga sakripisyo ng bawat ina para sa kani-kanilang mga anak.

Malaking rebelasyon din sa serye si Zia Grace, na binansagan ng mga manonood bilang next big child star ng Pilipinas. Pinuri si Zia para sa kanyang natatanging pagganap sa isang batang inaabuso ng sariling ina. 

Ang Saving Grace: The Untold Story ay tungkol sa pag-kidnap ni Anna (Julia) sa estudyante niyang si Grace (Zia) nang malaman niya ang pang-aabusong natatanggap nito mula sa sariling ina. Mas lalong matutuklasan din sa serye ang iba’t ibang kwento sa likod ng masalimuot na nakaraan ng apat na nanay na ginagampanan nina Jennica Garcia, Janice De Belen, Julia, at Sharon.

Ito rin ang nagsisilbing primetime TV comeback nina Julia, Sharon, at Sam.

Tutukan gabi-gabi ang Saving Grace: The Untold Story simula Marso 3 (Lunes) ng 9:30 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …