Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
K Brosas Platinum Stallion Sing Galing

K Brosas wagi sa Platinum Stallion; Sing Galing! pinalakas pa at pinabonggang videoke showdown

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INAKALA palang prank ni K Brosas ang pagkapanalo niya ng award sa 10th Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia.

Anang magaling na singer at isa sa host ng videoke game show na Sing Galing! sa TV5 muntik na niyang kuwestiyonin ang pagkapanalo.

 Nagwaging  TV Actress of the Year sa 10th Platinum Stallion Media Awards ng Trinity University of Asia si K para sa natatanging pagganap sa drama series din ng TV5, ang Ang Himala ni Niño.

Natatawang kwento ni K sa media conference ng Sing Galing noong Lunes na isinagawa sa Rock Star,Akala ko prank. Hanggang ngayon, akala ko prank. Mamaya ko po siya tatanggapin, kung ayaw ninyong maniwala. Gusto kong magpasalamat sa Trinity University of Asia.

“Akala ko talaga prank, walang etchos. Biro mo, TV Actress of the Year? Gusto kong magpasalamat sa ‘Ang Himala ni Niño’ dahil malaking bagay.

“Gusto ko sanang kuwestiyonin, ‘yung parang, ‘Bakit ako ang napili? Bakit ako ang ibinoto nila?’ Pero hindi ko na kukuwestiyonin. Tatanggapin ko na lang ‘yung blessing.”

Susog pa ni K na, “Sasabihin ko na lang po na ‘I think I did something good’ para mapansin nila. At siguro, tao rin, gusto nila family-oriented na teleserye.

“Siguro gusto nila medyo light, dramedy for a change. Maraming salamat sa lahat ng bumubuo ng Platinum Stallion Media Awards.”

Bukod sa pagkakahirang bilang magaling na aktres, nanalo rin siya sa kasong isinampa laban sa dating contractor ng kanyang ipinatayong bahay. Kya naman ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan. Dagdag pa ang pagbabalik ng programa niya sa TV5, ang Sing Galing!.

Samantala, malapit na ang ‘Sobrang Grand’ comeback ng Original Videoke Kantawanan Show ng bansa! Pagkatapos ng dalawang taon, magbabalik ang iconic TV5 legacy show na Sing Galing at handa na itong maghatid muli ng saya at katatawanan sa telebisyon. Napagsama-sama nito ang magagaling, hinahangaan, at mga bagong talento sa pinakabago nitong season. 

Tiyak mas magiging masaya ang mga kaawitbahay dahil magbabalik din ang tatlong original Singmasters na sina Mr. Private Eyes Randy Santiago, Ultimate Performer K Brosas, at Biriterang Beshie Donita Nose. Hindi rin magpapahuli sa kaSINGyahan ang returnee Jukebosses na talaga namang kinikilala sa Philippine music industry: Chief Sing-patiko Ariel Rivera, OG Sing Galing host Allan K, Phenomenal Diva Jessa Zaragoza, Champion Diva Ethel Booba, at ang OPM Legend Sing-Nior Hitmaker na si Mr. Rey Valera bilang Head Jukeboss

Apat na napaka-talented na Jukebosses ang magdadala ng dagdag na excitement: Soul Icon Ella May Saison, Asia’s Diamond Soul Siren Nina, Vocal Powerhouse Mitoy Yonting, at ang multi-awarded songwriter at hitmaker na si Vehnee Saturno. Sa pinagsama-sama nilang husay at hindi mapapantayang karanasan, siguradong magiging hamon at inspirasyon sila sa mga nangangarap na Singtestants na maging susunod na Ultimate Bida-Oke Star. 

Muli ring aabutin ng Sing Galing ang mga kabataan sa pamamagitan ng Singtokers nilang social media sensations na sina Queenay, Gab Pascual, Ari G, at Yanyan De Jesus. Dapat ding abangan ang pagbabalik ng first-ever grand champion nitong si Marimar bilang co-host sa companion online show na NOW ZENDING, kasama si Zendee. Silang dalawa ang magbibigay ng eksklusibong digital content, backstage interactions, at special features na mas maglalapit ng mga kaganapan sa show sa mga manonood.

Sa mas pinalaking stage, powerhouse roster ng Jukebosses, at kapana-panabik na talaga namang Pinoy format, pangako ng Sing Galing Year 3 na maging mabisang plataporma para sa mga talentong Filipino at sa mga nagmamahal sa musikang Pinoy. Humanda nang makipagkantawanan sa ‘Sobrang Grand’ comeback ng Sing Galing dahil lahat ay kayang abutin ang tono ng tagumpay.

Magsisimula na ang Sing Galing sa March 1, 2025, at mapapanood tuwing Sabado, 5:45 p.m., sa TV5. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …