Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
FPJ Panday Bayanihan partylist pasok sa Top 5 sa OCTA Research survey FEAT
FPJ Panday Bayanihan partylist humataw sa OCTA Research survey --- pasok sa Top 5.

FPJ Panday Bayanihan partylist pasok sa Top 5 sa OCTA Research survey

FPJ Panday Bayanihan partylist pasok sa Top 5 sa OCTA Research survey
FPJ Panday Bayanihan partylist humataw sa OCTA Research survey — pasok sa Top 5.

PATULOY na tumataas ang kasikatan sa mga botanteng Filipino ng FPJ Panday Bayanihan partylist nang 

pumasok sa Top 5 at makuha ang ikaapat na puwesto mula sa 156 partylists, na magtutunggali  sa 2025 midterm election 2025, batay sa pinakabagong survey ng OCTA Research.

Ayon sa pinakabagong Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, nakakuha ang ACT-CIS Partylist ng 6.46% ng mga boto mula sa mga sumagot sa survey, sinundan ng 4PS partylist na may 5.62% boto sa pangalawang puwesto.

Ang Duterte Youth Partylist ay pumangatlo na may 3.95% boto at ang FPJ Panday Bayanihan partylist ay nakakuha ng 3.84% boto.

Ang fieldwork ng survey ay isinagawa ng OCTA research team mula 25 Enero hanggang 31 Enero 2025, gamit ang harapang panayam sa 1,200 respondents sa buong bansa.

Ayon kay Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist, ikinalulugod nila ang makabuluhang pagtaas sa puwesto ng partido sa pagkamit nito ng 3.84% boto, isang matinding pagtaas mula sa mas mababa sa 2% survey ng OCTA research noong Disyembre ng nakaraang taon.

Sa pagtaya ang FPJ Panday Bayanihan partylist at Duterte youth ay maaaring manalo nang hindi bababa sa dalawang upuan sa Kongreso ang bawat isa sa kanila, ayon sa pag-aaral, habang ang nangungunang dalawang grupo ay inaasahang makakokopo ng tatlong upuan sa Kamara.

Mababatid na ang FPJ Panday Bayanihan ang tanging grupo na walang kasalukuyang kinatawan sa kongreso, na nagpapakita ng kanilang matibay na suporta mula sa masa.

“Kami ay talagang nagpapasalamat sa aming mga kapwa Filipino para sa kanilang napakalaking suporta,” sabi ni Poe.

“Ang kinalabasan ng survey na ito ay nagpapalakas ng aming determinasyon na ipatupad ang mahahalagang reporma na magpapabuti sa buhay ng mga pinakanangangailangan. Ang pagkain, pag-unlad, at katarungan ay mananatiling aming pangunahing prayoridad sa ilalim ng aming plataporma at mga konsultasyong sektoral,” dagdag niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …