Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alyansa Para sa Bagong Pilipinas APBP Senators

‘Alyansa’ naglatag ng mga solusyon para sugpuin ang droga, kriminalidad

PASAY CITY – Mga gumagawa ng krimen, bilang na ang araw ninyo!

Isa sa mga prayoridad ng mga senatorial candidate ng administrasyon na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa, partikular sa Metro Manila, na kanilang binigyang-diin sa kanilang kick-off campaign sa Pasay City nitong Martes, 18 Pebrero, para sa midterm polls sa darating na Mayo.

Ayon kay dating Senate President Tito Sotto, isa sa nakikita niyang solusyon ang pagsasanib ng mga ahensiya ng Dangerous Drugs Board (DDB) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa paglaban sa mga krimeng may kinalaman sa ilegal na droga.

“Isa sa mga panukala ko na pag-isahin ang Dangerous Drugs Board at ang Philippine Drug Enforcement Agency. Pinag-aralan ko iyan, sa loob ng 20 taon, sa Dangerous Drugs Act 9165 na ako ang principal author na lumikha sa PDEA. Pero sa paglipas ng mga panahon, kailangan na nating i-update,” sey ni Sotto sa isinagawang pulong-balitaan.

Sabi ni Sotto, gusto niyang tagawin ang ahensiya na Presidential Drug Enforcement Authority na mayroong mga bureau o departamento na tututok sa enforcement, prosecution, maging sa pagsugpo, at rehabilitasyon.

“The concentration of the past kasi was enforcement. Huli ka nang huli pagkatapos ano kakasuhan 80 percent dismissed. Ang kailangan natin mas palakasin ang prevention and rehabilitation and it cannot be prevention, DepEd rehabilitation, DOH. Nakita na natin in the past it didn’t work,” paliwanag ni Sotto.

Si Makati City Mayor Abby Binay, nais tapikin ang mga barangay official para magsilbing frontliner para sawatahin ang palaganap ng droga at mga kriminalidad na kaakibat nito.

“So I think, I’m coming from the perspective of being a city mayor. Ang mga barangay po natin ang frontliner and yet they are limited doon sa number of bantay-bayan na puwede nilang i-employ, they’re only limited to 20,” ani Binay. I think we have to empower our barangays because they are our frontliners.”

Para kay dating Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, makatutulong rin sa pagsugpo ng kriminalidad ang paglalagay ng mga CCTV sa bawat sulok ng mga barangay.

“Isa sa pinakatahimik na bansa na nakita ko ay ang UAE o Dubai. In fact, in my experience as the secretary of DILG, kung mayroong krimen, ang talagang nakahuhuli o malaking bagay ay ang mga CCTV,” ayon kay Benhur.

Pagpapalakas naman ng criminal justice system at pagbabalik ng death penalty ang hirit ni Senator Francis “Tol” Tolentino.

“Siguro aside from those previously mentioned, I would call for the strengthening of the criminal justice system and I have never wavered on this in the past two Congresses …  I have filed measures calling for the reimposition of the death penalty. Hindi pa rin ho nagbabago ‘yong pananaw ko ‘yon that would be a great deterrent lalong-lalo na roon sa heinous crimes,” punto ni Tolentino.

Si dating PNP chief at former Senator Ping Lacson, sinabing kakulangan sa pag-implementa ng mga umiiral nang batas ang problema kaya hindi bumababa ang kriminalidad sa bansa.

“Yong pag-address ng peace and order problem saka sa korupsiyon, nag-e-emanate ito not from legislation, but ‘yong poor or lack of implementation of existing laws,” sabi ni Lacscon.

Kasama rin sa 12-member senatorial slate ng administration sa ‘Alyansa’ sina Senator Ramon Bong Revilla, Jr., Senator Pia Cayetano, Senator Imee Marcos, Senator Lito Lapid, dating Senador Manny Pacquiao, dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo, at Deputy Speaker Camille Villar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Scam fraud Money

Scammer na ex-brgy. admin, timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang dating opisyal ng barangay na may kinakaharap …

Norzagaray Bulacan police PNP

Top 10 MWP sa Norzagaray, arestado sa kasong statutory rape

NAARESTO ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isang lalaki na nakalista bilang …

SM Sparklo Reverse Vending Machines

SM Introduces Sparklo Reverse Vending Machines to the Philippines for the First Time Ever

SM Supermalls and Sparklo executives formalize their partnership during the official launch of Sparklo’s reverse …

volleyball all star Candon City Ilocos Sur

Candon City, magho-host sa pagbabalik ng Volleyball All-Star event

MAGBABALIK ang inaabangang Volleyball All-Star Showcase kung saan muling magsasama-sama ang mga star ng propesyonal …

Dead body, feet

Sa San Ildefonso, Bulacan
Kargador natagpuang patay sa by-pass road

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang manggagawa sa gilid ng bypass road sa bayan …