Thursday , April 3 2025
FPJ Panday Bayanihan Brian Poe Llamanzares Grace Poe Coco Martin

Motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan partylist dinumog sa Pangasinan

HALOS dumugin ng mga Pangasinense ang isinagawang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan partylist sa ilang bayan sa lalawigan ng Pangasinan.

Sakay sa open top vehicle sina Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan partylist, Actor Coco Martin at Senator Grace Poe.  Namahagi sila ng mga  FPJ PL t-shirt at bumati sa mga tao sa pagdaan nila sa mga bayan ng Calasiao, Dagupan at San Carlos City.

Lulan din sa motorcade campaign sina Mark Lester Patron at Hiyas Govinda Dolor, pawang 2nd at 3rd nominees ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, kasama ni Hiyas ang asawa niyang si Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor.

Pinangasiwaan ni San Carlos City Mayor Julier “Ayoy” Resuello ang grand rally sa open ground ng Barangay Roxas na isinagawa ang mga talumpati at musikal na konsiyerto.

Inendoso ni Sen. Grace Poe si senatorial bet Bam Aquino sa grand rally at nagpahayag siya ng matinding pasasalamat na inalala kung paano siya pinanindigan ni Aquino noong 2015 disqualification case na kumuwestiyon sa citizenship ni Poe.

Ang FPJ Panday Bayanihan Partylist, numero tres (3) sa balota, ay nakaangkla sa mga haligi ng Food, Progress, and Justice (FPJ), na naglalayong iangat ang mga marginalized Filipino at itaguyod ang isang inklusibo, napapanatiling kinabukasan para sa bansa.

Captions FPJ 1

FPJ motorcade campaign sa Pangasinan. (L-R) Mark Lester Patron, actor Coco Martin, Sen. Grace Poe, Brian Poe Llmanzares, at Hiyas Dolor. (30)

Captions FPJ 2

HAWAK-KAMAY na itinaas nina (L-R) Mark Lester Patron, Sen. Grace Poe, Actor Coco Martin, Brian Poe Llamanzares at Hiyas Govinda Dolor ang kamay ng bawat isa sa grand rally ng FPJ Panday Bayanihan partylist na ginanap sa San Carlos City, Pangasinan. (30)

About hataw tabloid

Check Also

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

Ayuda mula sa gobyerno mahalaga pero mamamayan ‘di dapat umasa — Pamilya Ko Partylist

NANINIWALA si Pamilya Ko Partylist (PKP) 1st Nominee Atty. Anel Diaz na malaki ang naitutulong …

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

DENR, LGU kinalampag sa illegal resort construction sa Bohol

SUMIKLAB ang galit ng mga lokal na residente kaugnay sa viral video ng isang backhoe …

Duterte ICC

Para sa pagsusulong ng Crime Against Humanity
1 KASO NG MURDER SWAK PARA LITISIN SI DUTERTE – ICC

HATAW News Team ISANG kaso lang ng pagpatay ay sapat na para lumarga ang Crime …

Myanmar

PH humanitarian team ipinadala sa Myanmar

BUMIYAHE na ang Philippine Inter-Agency Humanitarian Contingent (PHIAC) upang tumulong sa search, rescue, at retrieval …

COMELEC Vote Election

34 reklamo ng vote buying, vote selling inireklamo

INIULAT ng Commision on Elections (Comelec) na umabot sa 34 kaso ang mga iniulat sa …