IPINASOK sa ospital si Pope Francis sa ospital nitong Biyernes para sa iba’t ibang pagsusuri at paggagamot sa bronchitis, ang pinakabago sa serye ng suliranin sa kalusugan ng 88-anyos Santo Papa.
Si Pope Francis ay sinabing hinihingal sa mga nagdaang araw, kaya nagtalaga ng opisyal para basahin ang kanyang mga speeches, nakipagpulong alinsunod sa plano bago nagtungo Gemelli hospital sa Roma, ayon sa Vatican.
“Ang Santo Papa ay naospital para sa mga kinakailangang diagnostic tests at para ipagpatuloy ang gamutan laban sa bronchitis sa loob ng isang ospital,” pahayag ng Vatican.
Paglipas ng dalawang oras, sinabing dalawang pakikipagpulong na gaganapin ngayon, Sabado, at sa Lunes ang kinansela ng Santo Papa, habang isang cardinal ang mangunguna sa gaganaping misa sa Linggo, sa lugar mismo ni Pope Francis.
Ang Argentine pontiff, na naupo bilang pinuno ng Simbahang Katoliko noong 2013, ay mananatili sa
Gemelli sa isang kuwarto na eksklusibong ginagamit ng mga papa na mayroong sariling kapilya.
Ang papa, na tinanggalan ng isang baga noong Kabataan niya, ay isang linggo araw nang hinihingal, at inuutusan ang mga kawaksi na basahin nang malakas ang kanyang
Sa kanyang weekly general audience nitong Miyerkoles, sinabi ng Santo Papa Francis, hindi niya kayang basahin ang kanyang speeches, saka ngingiti at sasabihing: “I hope that next time I can.”