Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Plantilla position para sa FSL interpreters agenda ng KWF CHR

Batay sa RA 11106 (The Filipino Sign Language Act)  
Plantilla position para sa FSL interpreters agenda ng KWF, CHR

NAGPÚLONG ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR) hinggil sa mga programang maaaring gawin kaugnay sa R.A. 11106, The Filipino Sign Language Act.

Kasáma sa púlong ni Tagapangulong Arthur P. Casanova ang mga opisyal ng Komisyon sa Karapatang Pantao na sina Chairperson Richard P. Palpal-Latoc at Assistant Secretary,  Atty. Amifaith Reyes, Commissioner of the focal area for Persons with Disabilities.

Inilatag ng KWF ang sumusunod ngunit hindi limitado sa proyekto, polisiya, at International Day of Sign Languages ng ahensiya hinggil sa FSL.

Kasama sa mga paksang napag-usapan sa púlong ay ang pagkakaroon ng plantilla position para sa mga FSL interpreter sa darating na panahon/ at mga hámon sa usapin ng Civil Service Exam para sa mga FSL interpreter partikular ang language barrier. Ang usapin ng language barrier ng mga bingi sa Civil Service Exam ay idudulog ng KWF sa CSC upang mabigyan ng patas na pagkakataon ang mga bingi.

Dumalo rin sina Lourdes Zorilla-Hinampas, Punò ng KWF Sangay ng Lingguwistika at Aplikadong Lingguwistika (SLAL), Earvin Pelagio, Focal Person ng KWF Yunit ng FSL, Aimee Bechaida, Executive Assistant (EA) ng Tagapangulo, at Lovely Batta, Administrative Assistant (AA) sa opisina ng Tagapangulo ng KWF.

Ang RA 11106 ay nagtakda sa KWF bilang tanggapang magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng Filipino Sign Language (FSL) bilang pambansa at opisyal na wikang senyas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …