Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Nixon Gomez Rigel Gomez BauerTek Marijuana Cannabis PDEA
Sa larawan (L-R) si Bishop James Boliget, Miyembro ng Committee; si Rigel Gomez, Pangulo ng BauerTek Pharmaceutical Technologies; si Richard Nixon Gomez, Tagapangulo ng BauerTek; ASec Rene Gumban, PDEA Deputy Director General for Operations; at Dr. Rodolfo John Teope, Miyembro ng Committee.

Joint Rewards Committee Meeting on Extraction of Oil from Marijuana in Aid of Policy Enhancement

IBINAHAGI nila Scientist/Inventor Richard Nixon Gomez at ng kanyang anak, ang kapwa imbentor na si Rigel Gomez, ang kanilang kaalaman at eksperto sa agham at teknolohiya. Sa isang Joint Committee hearing na isinagawa sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), iprinisinta ng mag-amang Gomez ang mga metodolohiya sa pagkuha ng langis mula sa halaman ng cannabis. Ang diskusyong ito ay isinagawa upang makatulong sa pagsusulong ng mga patakaran para sa kampanya ng bansa laban sa iligal na droga.

Ang talakayan ay nakatuon sa mga crude o cottage-level na pagproseso at pagmamanupaktura ng cannabis oil. Masusing pinag-usapan ang mga clandestine laboratory ukol sa pagconvert ng marijuana buds na ginagawang cannabis oil. Ipinakita rin ang mga materyales at kagamitan na gamit sa bahay o mga bagay na maaaring mabili sa mga supermarket na maaaring gamitin sa pag-manufacture.

Mahalaga ang kaalaman na ito upang maging handa ang ating mga tagapangasiwa at tagapagpatupad ng batas sa pagtukoy ng mga posibleng pamamaraan na ginagamit ng mga kriminal. Tinalakay din ang mga testing sa laboratoryo para sa pag-validate at pagsusuri ng cannabis.

Ang BauerTek Farmaceutical Technologies ay isang FDA approved manufacturing facility na maaaring gumawa ng mga gamot at supplements. Nakikipagtulungan sila sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at mga State Universities sa pagsusulong ng community-based supply chain.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …