Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Jillian Ward  mas gustong mag-focus sa trabaho kaysa pumatol sa isyu

DEADMA at wala raw balak patulan ng tinaguriang Star of the New Generation at Prinsesa ng GMA 7 na si Jillian Ward ang patutsada sa kanya ng naging co-star sa Primadonnas.

Kaysa bigyan pa raw ng oras ang isyu na 2019 pa yata at sobrang luma na ay mas gusto nitong mag-focus sa kanyang trabaho.

Tsika ng maganda at mabait na aktres, “Ako po kasi, again, I’m doing so much in my life, I don’t have time to fight with anyone. So hindi ko po alam saan nanggaling ang narrative na ‘yun or fighting. 

“I’m doing different things and I’m self-reflecting still ‘yung sa separation ng parents ko.

I’m just confused on what’s happening. I feel like what we need right now with everyone is to focus on ourselves and to be very honest with everyone around us and with ourselves.

I’m so happy with my blessings. I’m so happy to be surrounded with honest and very loving, loyal people like Michael (Sager, leading man niya sa ‘My Ilonggo Girl’).”

Masaya si Jillian sa magandang ratings ng bagong project sa GMA7, ang My Ilonggo Girl with Michael Sager.

Bukod dito ay  napapanood din si Jillian sa  top rating show ni Senator Bong Revilla Jr na Walang Matigas na Pulis sa Matigas na Misis at may gagawin din itong pelikula ngayong taon. 

Kaya naman sa dami ng blessings na natatanggap ngayon na ni Jillian sa kanyang buhay ay wala siyang balak mag-entertain ng negative things.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Rochelle Pangilinan Arthur Solinap Sexbomb

Rochelle naiyak sa tagumpay ng Sexbomb reunion concert

MATABILni John Fontanilla UNTIL now ay hindi pa rin makapaniwala si Rochelle Pangilinan sa success at sold …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, tapos nang irebyu ang 8 pelikula sa MMFF ‘25

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio EKSAKTONG dalawang linggo bago mag-Pasko, natapos ng Movie and Television …

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …