Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Taguig TLC Heart Beats

Sa Lungsod ng Taguig
Araw ng mga Puso buong linggong ipagdiriwang sa TLC Heart Beats

PORMAL nang binuksan ng Taguig City ang isang linggong pagdiriwang ng araw ng mga puso sa pamamagitan ng TLC Heart Beats na isinagawa sa TLC Park sa Lakeshore kamakalawa.

Ang pagdiriwang ay lalahukan ng mga kilalang  mang-aawit mula sa music industry bilang handog ng lungsod ng Taguig sa mga mamamayang Taguigeños na ipagpatuloy at panatilihin ang diwa ng pagmamahalan.

Bukod sa nga mga mang-aawit na siyang haharana sa mga mamamayan ay idaraos din ang isang linggong selebrasyon sa Vista Mall, Arca South, at Benigno High School.

Nanguna sa paglulunsad ng programa at nagpakitang gilas ang grupong Sitti at Luna Band na muling sinariwa ang nakalipas na mga awitin ng pagmamahalan.

Ang Heart Beats ay unang Valentine’s service caravan kompara sa mga nakalipas na pagdiriwang ng araw ng mga puso.

Ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano, layon ng lungsod na lalong ipadama sa bawat Taguigeños ang kalinga at pagmamahal ng pamahalaang lungsod.

Sa kabila ng buhos ng ulan ay hindi naman napigilan ang mga Taguigeños lalo ang mga magsing-irog para dumalo sa TLC Heart Beats at ipakita ang kanilang pagmamahalan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …