Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Buffalo Kids Sylvia Sanchez Nathan Studios

Buffalo Kids ng Nathan Studios heartwarming journey ng friendship at family 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IISA ang narinig naming komento sa mga nanood sa special screening ng animated film na Buffalo Kids na ginanap sa Cinema 12 ng Gateway Cineplex noong February 9.

Gandang-ganda, nakaiiyak, at may aral na matututunan kabilang na ang pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa ng walang hinihintay na kapalit ang makukuhang aral at pakiramdam sa pelikula.

Masuwerte ang Nathan Studios, pag-aari ng pamilya ni Sylvia Sanchez at sila ang nakakuha ng rights para mag-release ng movie na palabas na simula bukas, February 12. Isa ang Buffalo Kids sa mga pelikulang binili ng Nathan Studios sa Cannes International Film Festival.

Ang pelikula ay idinirehe ni Gabo Galdochi.

Tumatalakay ang Buffalo Kids sa kakaibang kuwento ng  pagmamahal, lalo iyong unconditional love ng magkapatid. Ukol ito sa naulilang magkapatid na sina Mary at Tom at ang magiging journey nila sa paghahanap sa kanilang Uncle Niall.

Ang Buffalo Kids ay isang heartwarming journey ng friendship at family at pinukaw nito ang mga puso ng mga manonood sa buong mundo.

Inspired ang kuwento ng pelikula sa relasyon ng dalawang anak ng co-director nitong si Pedro Solís García na sina Alejandra at Nicolás — na parehong pumanaw na.

Tampok sa movie ang mga boses nina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen Graham.

Nalaman naming marami na ang pumuri sa Buffalo Kids nang ipalabas sa Annecy International Animation Film Festival noong June, 2024 at mabilis itong naging paborito sa Europe at Asia.

Sa kabilang banda, sobrang proud si Sylvia sa pelikulang ito. Aniya, “Nandito na naman ‘yung Nathan Studios, mayroong handog sa inyo na kakaiba namang movie — ito ay para sa mga bata.

“Ang ganda-ganda-ganda ng movie na ‘to, para sa inyo ito. Actually, hindi lang pambata kundi para rin sa atin, sa ating lahat, pampamilya!

Sinabi pa ni Sylvia na naaayon sa advocacy ng Nathan ang mga iniri-release nilang pelikula. Ito ay ang kailangang may mga aral na makukuha sa pelikula.

“Like ito, Buffalo Kids, special naman ito, special child naman ito, tapos ‘yung mga batang mga orphans, alam mo ‘yung ganoon,” wika pa ng mahusay na aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …