Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bugoy Drilon Sheryn Regis Rocksteddy

Andew E., Bugoy Drilon, iba pang sikat na performers pabobonggahin kickoff campaign ng ‘Alyansa’ sa Laoag

CAMPAIGN kickoff, may kasama pang party, party!

Inaasahang buhay na buhay at super bongga ang malakihang kickoff campaign ng administration-backed Senatorial slate na ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’ (APBP) na gaganapin sa Laoag City ngayong 11 Pebrero, Martes, sa balwarte ng mga Marcos sa Ilocos Norte para sa midterm elections sa darating na Mayo.

Tiyak na dadagundong ang Centennial Arena sa pambungad na kampanya ng administration Senate slate dahil magbibigay-kulay at buhay sa kickoff rally ang sikat na rapper at singer na si Andrew E.

Makakasama ng rapper ang ilan pang sikat na performers sa showbiz at music industry katulad nina Bugoy Drilon, stand-up comedian Wacky Kiray, Njel De Mesa, singer Sheryn Regis, sexy actress Arci Munoz at bandang Rocksteddy.

“Hello Laoag. Kita-kita po tayo sa February 11 sa Ilocos Norte Centennial Arena. Diyan po gagawin ang kauna-unahang rally ng ‘Alyansa Para sa Bagong Pilipinas’. At siyempre po, ang ating guest of honor, ang ipinagmamalaking anak ng Ilocos Norte, ang ating Presidente Bongbong Marcos. See you po,” wika ni Navotas City Rep. Toby Tiangco, ang campaign manager ng ‘Alyansa’.

Pormal nang ipakikilala sa publiko ang 12 kandidato ng administrasyon sa pagka-senador kabilang sina dating Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Pia Cayetano, Senator Imee Marcos, Senator Lito Lapid, mga dating senador Panfilo “Ping” Lacson at Manny Pacquiao, Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis Tolentino, dating Social Welfare Secretary Erwin Tulfo at Deputy Speaker Camille Villar.

Ayon kay Tiangco, powerhouse cast ang kanilang mga pambato sa Senado, na inaashaang magpapatuloy sa mga legislative agenda ni Pangulong Bongbong makalipas ang 2025 midterm polls.

“Ito po ay Senate slate na batid ang pamamahala at nagdedeliber ng mga resulta. Ito ay mga lider na may matibay na track record at ipaglalaban ang kapakanan ng mga Filipino sa Senado,” punto pa ni Tiangco.

Nagdeliber ang probinsiya ng 356,221 mula sa kabuuang 380,721 boto para kay Bongbong noong 2022 Presidential Polls, na sumasalamin sa 87.7 voter turnout, isa sa pinakamalaki sa bansa.

Sa parating na 2025 polls, nananatiling kritikal na sandigan para sa administrasyon ang Ilocos Norte dahil sa taglay nitong 434,114 rehistradong botante, na inaasahang patatatagin pa ang pagkakaisa ng mga Ilocano para palakasin ang kampanya ng ‘Alyansa’ sa 2025 polls.

Susundan na agad ng ‘Alyansa’ ang kanilang kampanya sa bawat sulok ng Pilipinas pagkatapos ng kickoff rally sa Laoag City. (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …