Friday , May 16 2025
Wilbert Lee Agri Partylist

Agri Rep. Wilbert “Manoy” Lee umatras sa pagtakbo bilang senador

UMATRAS si Agri Representative Wilbert Lee bilang isa sa mga senatorial aspirants dahil sa kawalan ng makinarya.

Aminado si Lee na hindi madali ang kanyang desisyon lalo na’t siya ay mayroon nang sinimulan ngunit sa kanilang pagninilay-nilay ay nagdesisyon siyang umatras sa laban.

Paglilinaw ni Lee, isa sa kadahilanan ay ang kawalan niya ng makinarya at ang kakulangan ng panahon upang maikot ang buong panig ng Filipinas.

Inamin ni Lee na hindi naman siya tulad ng isang artista na kilala na at mayroong papularidad.

Ngunit tiniyak ni Lee na sa kabila ng kanyang pag-atras ay hindi natatapos ang pagsusulong niya ng programa sa pagkain at kalusugan ng bawat mamamayang Filipino.

Umaasa si Lee na tatangkilikin din ng mga mananalong senador ang kanyang mga panukala at programang isinusulong.

Nagpapasalamat si Lee sa lahat ng kanyang tagasuporta, sa kanyang campaign team, sa kanyang mga kabigan, sa partido Aksyon Demokratiko, sa kanyang pamilya, at higit sa Panginoon sa tiwala at suportang ipinagkaloob sa kanya.

Binigyang-linaw ni Lee na walang kinalaman sa usapin ng kalusugan, pinansiyal, at hindi pag-angat sa mga survey ang kanyang pag-atras.

Naniniwala si Lee na mayroong plano at takdang panahon ang lahat gaya noong hindi niya inakalang mahahalal siya bilang kinatawan sa mababang kapulungan ng kongreso ng Agri Partylist.

Ngunit tiniyak ni Lee na tuloy ang laban ng Argi Partylist na ang kanyang asawa ang unang nominado.

Todo pa rin ang suporta ni Lee kay senatorial aspirant Willy Ong na kanyang kapartido.

Bukod dito, sinabi ni Lee na bago niya inianunsiyo ang kanyang pag-atras ay nagpaalam siya nang maayos sa partido. (NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Arron Villaflor

Arron Villaflor waging Board Member sa Tarlac

MATABILni John Fontanilla PANALO ang aktor na si Arron Villaflor sa unang sabak sa politika …

PM Vargas

Sa Distrito 5 ng QC
‘ FAKE NEWS’  ETSAPUWERA PM VARGAS WAGING KONGRESISTA

ni Gerry Baldo IPRINOKLAMA ng Commission on Elections (Comelec) si Quezon City 5th District Rep. …

Isko Moreno Joy Belmonte Vico Sotto

Pulling away sa mga katunggali
ISKO, JOY, VICO PROKLAMADO NA

NAUNA nang iprinoklama ang lahat ang mga nanalong alkalde gaya nina Manila Mayor Francisco “Isko” …

Malabon City

Sandoval-Nolasco  wagi sa  Malabon

UUPO sa ikalawang termino bilang alkalde ng Malabon City si incumbent Mayor Jeannie Sandoval at …

Valenzuela

Valenzuela, Gatchalian country pa rin

NANGUNGUNA pa rin si Valenzuela Mayor WES Gatchalian sa puso ng mga taga-Valenzuela sa nakuhang …