Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB
MTRCB

Apat na pelikulang may angkop na klasipikasyon, swak para sa kabataan at pamilyang Filipino

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

TIYAK na ikatutuwa ng pamilyang Filipino na panoorin ang apat na pelikula ngayong linggo na nabigyan ng angkop na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang Thai animated na “Out of the Nest,” tungkol sa isang kambing at pitong nakaaaliw na sisiw, at ang South Korean concert movie na “IU Concert: The Winning,” ay parehong rated G (General Audience).  Ibig sabihin, puwedeng panoorin nang lahat ang dalawang pelikula.

Ang “Firefighters” na base sa totoong insidente noong 2001 sa Hongje-dong, at ang “Woodwalkers” na tungkol naman sa mga bata na nagpapalit-anyo,  ay parehong rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Sa PG, puwedeng manood ang edad 12 anyos at pababa na kasama ang magulang o nakatatanda.

Para sa mga naghahanap ng aksiyon at kababalaghan, swak ang pelikulang “Peter Pan’s Neverland Nightmare” na rated R-16 at R-18.

Sa R-16 ay mga edad 16 at pataas ang puwede lamang manood.  Sa R-18 ay mga edad 18 at pataas.

Samantala, R-16 at R-18 din ang “The Baby in the Basket,” dahil sa tema, kababalaghan at lengguwahe.

Pinayohan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na pumili ng mga palabas na tama para sa mga bata.

“Malaki ang ginagampanan ng bawat pelikula sa paghubog ng kaisipan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng responsableng panonood, masisiguro natin na bukod sa kasayahang dulot ng pelikula, may mapupulot na aral ang mga bata sa patnubay ng mga magulang,” sabi ni Sotto-Antonio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …