MATABIL
ni John Fontanilla
NAGPASALAMAT ang sikat na K Pop star at tinaguriang Pambansang Krung-Krung ng Pilipinas na si Sandara Park sa ginawang pagbisita ng Kapuso Star Multi Media Star na si Alden Richards sa set ng Be The Next 9 Dreamers ng TV5. Si Sandara ang magiging host.
Nag-post nga ni Sandara sa kanyang IG account ng dalawang litrato nila ni Alden na may caption na. “Thank you for visiting us on the set Alden. Nice meeting you.”
Kaya naman maraming netizens ang kinilig sa litrato ng dalawa at pinusuan ang mga iyon. Habang ang iba ay nagbigay ng komento at ilan dito ang mga sumusunod:
“Dara and Alden manifesting to work together soon!”
“Movie Together Please.”
“Drama or Movie with Alden Please.”
“May Chemistry.”
“Bagay kau ni Alden.”
“Aw. Pwedeng gawan ng Series. Mala KDrama.”
“Eto dapat ang bagong love team for 2025.”