Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Subtext Njel De Mesa Shane Santos, Cherry Morena, Ced Recalde, Karl Tiuseco, Gaye Angeles Jiro Custodio

Musical Play ni direk Njel inuulan ng papuri

MATABIL
ni John Fontanilla

PAPURI ang natatanggap ng musical play na Subtext na likha ng international film director and writer nai Njel De Mesa na nanalo ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards for Literature.

Naging isang full-length movie ito at ngayo’y isa nang nakakikilig na musical.

Ang  kuwento ay tungkol sa pakikipag-relasyon at komunikasyon. At ngayon nga  ay ginawa itong musical na may mga bagong orihinal na mga awitin na isinulat ni Direk Nijel.

Ilan sa mga awitin ay ang Ayoko Na, Talo, Ewan Ko, Meron Din Kaya, Ayoko na Hindi Ikaw na ang musical arrangements ay ginawa ng  singer and composer na si Jopper Ril ng La Familia Band.

At sa husay ng  cast ng musical  play na kinabibilangan nina Shane Santos, Cherry Morena, Ced Recalde, Karl Tiuseco, Gaye Angeles, at Jiro Custodio (NET25’s Star Kada) ay papuri ang ibinibigay ng mga taong nakapanood na nito at mas marami pang na-eengganyong manood.

Huwag palampasin ang kanilang natitirang performances sa Pebrero 8, at 15, 2025, sa Sikat Studios Main Hall sa 305 Tomas Morato, Quezon City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …