Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vice Ganda Sante Barley

Vice Ganda prioridad mas malusog, mas masaya, at mas matagumpay na pamumuhay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 PORMAL na sinalubong ng Santé International, isang global lider ng mga organic health at wellness products, si Vice Ganda bilang pinakabagong mukha ng Santé Barley.

Binuo ng Santé International ang reputasyon nito bilang isang pinagkakatiwalaang pangalan sa larangan ng health and wellness. Handog ng Santé ang mga de kalidad na barley-based na mga produkto na certified organic ng BioGro New Zealand. 

Sa misyon nitong makatulong sa mga tao na mamuhay ng mas maganda, naghahain ang Santé ng mga natural na health solutions na pinagsasama ang siyensya at nature. Ang flagship product nito, ang Santé Barley, ay mula sa bukirin ng Canterbury region ng New Zealand, kaya naman tiyak ang mataas na kalidad nito at puno ng nutrients. Ang iba pang nga produkto ng kompanya ay ang Santé Pure Barley Juice, Santé Pure Barley Capsules, Santé Fusion Coffee,  at iba pang mga inumin at wellness products para sa iba’t ibang lifestyles.

Dahil sa magandang reputasyon nito, tama lang na makipag-sanib puwersa ang Santé International kay Vice Ganda para iendoso ang Santé Barley. 

Dahil sa kanyang tagumpay sa live concerts at comedy; pelikula; musika; telebisyon; at mga adbokasiya, patuloy na namamayagpag si Vice sa pag-inspire sa mga Pinoy na unahin ang kalusugan  — sapagkat ito ang kanyang sikreto kung bakit siya nasa tugatog ng kasikatan at tagumpay.

Talaga namang ibang klase ang paglipad ng karera ng Unkabogable Box-Office Superstar, lalo na sa mga nakaraan niyang accomplishments na ipinakikita ang kanyang pagmamahal sa trabaho. Noong 2023, nanalo ang kanyang game show na Everybody, Sing! bilang Best Asian Original Game Show sa Content Asia Awards — patunay na ito ay innovative at groundbreaking na programa na mahal ng mga manonood sa Asian region.

Noong Oktubre 2024, kinilala si Vice bilang isang Bahaghari Champion sa Bahaghari Awards dahil isa siyang role model sa kumunidad ng LGBTQIA+, kaya naman highlighted ang kanyang dedikasyon sa paggamit sa kanyang mga platform para ipalaganap ang representasyon at empowerment.

Sa akting naman, ginampanan ni Vice ang kanyang unang dramatic role sa 2024 film na And the Breadwinner Is… na idinirehe ng award-winning filmmaker na si Jun Lana. Kakaiba ito sa mga comedy movies ni Vice at umani ito glowing reviews mula sa fans at industry insiders. Nanalo rin si Vice ng Special Jury Citation sa 50th Metro Manila Film Festival noong Disyembre 2024. Tagumpay din ang pelikula sa takilya dahil P400-M na ang kinita nito noong Enero 2025, patunay sa lakas ni Vice sa takilya. 

Hindi lang ito patunay sa talento ni Vice dahil patunay din ito na kailangan din ang malusog na katawan at pag-iisip upang maging matagumpay.

Sa lahat ng ito, aminado si Vice na kailangan niya ang kanyang lakas upang maalagaan ang sarili. Seryoso para sa kanya ang mga regular na health check-ups, self-care, at ang pag-maintain ng positibong pg-iisip, at katuwang niya rito ang Sante Barley. Hitik sa mga essential vitamins, minerals, amino acids, at antioxidants, mahalaga ang Santé Barley sa pang-araw araw na buhay ni Vice, at tinutulungan siya nitong maging malakas kahit sobra siyang busy.

Kinakatawan ni Vice Ganda kung ano ang Santé Barley: to live life to the fullest while staying proactive about your health,” sabi ng Santé International CEO na si Joey Marcelo. “His ability to thrive in all aspects of his career while inspiring others at the same time makes him the perfect partner for our mission of helping Filipinos #LiveForMore.”

Excited din si Vice sa partnership: “Ang magandang kalusugan ang pundasyon ng lahat. I stay active and energized because I take care of my body, and Santé Barley has been a big part of that. I’m so excited to share with everyone how Santé Barley has helped me live for more —‘di lang sa aking career pero pati na rin sa ibang aspeto ng aking buhay.”

Bilang pinakabagong ambassador ng Santé, mangunguna si Vice sa kampanya na turuan ang mga Pinoy ukol sa transformative power ng mga produkto gaya ng Santé Barley. Mula sa pag-improve ng digestion hanggang sa pag-boost ng immunity at overall vitality, handog ng Santé Barley ang simple ngunit epektibong paraan upang mapag-ibayo ang kalusugan. 

Sa tulong ni Vice, layunin ng Santé na ma-inspire ang mga tao na gamitin ang kanilang full potential at mabuhay ng mas masaya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …