Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mark Herras gay bar

Mark pinanindigan walang masama pagsasayaw sa gay bar

HINDI natinag ng mga basher at intriga si Mark Herras matapos mag-perform sa gay bar noong January 10. Kahit ang dating manager na si Lolit Solis ay nagpahayag ng pagkademasya sa naging desisyon ng dating alaga samantalang ang iba naman ay naawa sa aktor.

Deadma lang si Mark at tuloy ang repeat performance niya noong Friday ng gabi sa pareho ring gay bar. Masaya naman ang may-ari ng bar dahil napuno na naman ito ng customer.

Umaasa pa rin naman ang mga tagahanga ni Mark na sana raw ay maisip ng kanyang network na bigyan siya muli ng proyekto para raw hindi na ito umabot sa ganitong kalagayan na sa kawalan ng raket ay pinapatulan ang sumayaw sa isang gay bar.

Wala naman daw masama sa pag-perform, pero hindi gusto ng iba niyang faney na sa ganitong venue umabot ang kauna-unahang Male Startruck Survivor. Malayo sa naabot na ng mga kasabayang sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Cristine Reyes at iba pa. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …