Friday , February 28 2025
Jennylyn Mercado Sam Milby Rhea Tan Beautéderm

Jen, Sam bumisita sa Beautéderm; Rhea Tan inilunsad bagong negosyo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DUMALO sina Jennylyn Mercado at Sam Milby sa pagdiriwang ng Chinese New Year ng Beautéderm Corporation na pinangunahan ng founder nitong si Rhea Tan noong Miyerkoles sa Angeles City.

Nakiisa rin sa pagdiriwang ang iba pang Beautéderm ambassadors na sina DJ Chacha, Kitkat, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Anne Feo, Ervic Vijandre, Thou Reyes, Pepita Curtis, Maricel Morales, anak niyang si AJ Morales, at Wency Lagumbay, gayundin ang mga lokal ambassadors na sina Atty Nicolette Henson, Voltaire Zalamea, Mich Viray, Frederick Policarpio, Marlon Tuazon, Ning Cordero, Dr. Minnie Uy, at Mutya Ning Kapampangan, Natalya Linsay.

Taon-taon, ipinagdiriwang ng business mogul at ng kanyang kompanya ang Chinese New Year para magpasalamat at mag-manifest pa ng blessings.

Sa kanyang speech, sinabi ni Tan na ang taong ito ay ukol sa progress, transformation, at wealth.

“When you’re in business, you have to constantly coming up with new ideas and exploring new possibilities, and each new year should bring about progress not only in business but also as a person,” ani Tan. 

Nagpasalamat din si Tan sa Beautéderm endorsers sa pagdalo ng mga ito at sinabing ang kanilang presensiya ay nagdagdag kinang at saya sa event.

Bukod sa pagdiriwang ng CNY, inilunsad ng Beautéderm CEO ang kanyang bagong negosyo, ang AUDREY, isang luxury house para sa genuine leather bags. Kasama sa mga materyales na ginamit ang premium genuine cowhide at lambskin leather.

“The launch of our new venture, AUDREY, which sells luxury leather bags, represents progress. This new endeavor aims to promote local craftsmanship while showcasing what a Philippine brand has to offer the world. And I am optimistic about 2025 and proud of this brand, built with style and brilliance,” pagbabahagi pa ni Tan. 

Ang pagkahilig ni Tan sa mga designer at luxury items ang nag-udyok para mag-invest sa A-List Avenue, isang boutique na naglalaman ng mga tunay at high-end designer pieces. Matatagpuan dito ang mga limited-edition na Hermes Birkin at Kelly bags gayundin ang iba pang prestihiyosong brand gaya ng Louis Vuitton, Chanel, at Gucci. Rito rin madalas kumuha ng kanilang mga bag at relo ang mga kilalang personalidad at content creators. Mahigit dalawang taon ng bukas ang A-List Avenue, na matatagpuan sa parehong gusali, at tampok dito ang marangyang ambiance na nagbibigay ng eksklusibo at pang-VIP na karanasan sa bawat kliyente.

Si Tan, sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, ay patuloy na naglalaan ng oras para matugunan ang demands ng kanyang kompanya. Nananatili siyang optimistic sa 2025 at nais na maabot ang mas maraming local and international consumers. Ang kanyang Beautéderm Corporation ay mayroon na ngayong anim na sub-brands, kabilangang Beautéderm, BlancPro, Beauté Beanery, BeautéHaus, Belle Dolls, at AUDREY.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathryn Bernardo PGT

Kathryn may K maging hurado ng PGT

MA at PAni Rommel Placente MAY mga nagtaas ng kilay nang mapili si Kathryn Bernardo bilang isa …

Benz Sangalang Alessandra Cruz Tokyo Nights

Benz Sangalang tiniyak – Must watch ng mga ma-L ung movie naming Tokyo Nights

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO ang hunk actor na si Benz Sangalang na pinaka-daring …

Mark Herras Jojo Mendrez

Mark nagsalita na sa pag-uugnay sa kanila ni Jojo Mendrez

SA wakas sinagot na ni Mark Herras ang pag-uugnay sa kanila ng tinaguriang Revival King, si Jojo Mendrez. …

Judy Ann Santos Gordon Ramsay

Juday gusto pa muling mag-aral — ibang expertise naman sa pagluluto

RATED Rni Rommel Gonzales DALAWANG medalyang ginto ang naiuwi ng aktres na si Judy Ann Santos matapos …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon umaray sa mga fake news laban kay Kiko

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INALMAHAN ni Sharon Cuneta na ang mga naglalabasang fake news tungkol sa asawang …