Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Zryus Desamparado Sofronio Vasquez Neil Coleta

Zryus Desamparado bilib sa kabaitan ni Sofronio Vasquez

MATABIL
ni John Fontanilla

SALUDO ang actor na si  Zyrus Desamparado sa sobrang kabaitan ng Grand Champion ng The Voice USA Season 26 na si Sofronio Vasquez.

Nagkasama ang dalawa sa Sinulog Festival Parade na naimbitahan si Zyrus ng kaibigan nito at nakasama sa dating teen show ng TV5, ang Lipgloss na si Neil Coleta para sumakay sa karosa ng Don Macchiato na ambassador ang huli.

“Sobrang bait ni Sofronio Tito John, walang ka ere-ere hindi niya ipararamdam sa ‘yo na grand winner siya ng ‘The Voice USA.’ Napaka-humble at laging may nakahandang ngiti sa lahat ng tao.”

Mula sa parada ay naging close ni Zyrus si Sofronio na nakasama sa paglibot sa Cebu lalo na at naka-base na sa Cebu ang una na siyang nagsilbing tour guide ng grupo ng Pinoy pride.

“Walang kaarte-arte si Sofronio at mga kasama niya, kasi after ng event niya nagkayayaan lumabas, kaso sa sobrang dami ng tao sa kalsada dahil sa street dancing’ di gumagalaw ‘yung sasakyan.

“Kaya nagdesisyon kami na mag-motorsiklo at game na game naman si Sofronio at mga kasama niya para makapunta kami sa iba’t ibang lugar dahil kinaumagahan ay aalis na sila  papuntang Manila,” kuwento ni Zyrus.

Nangako si Sofronio na ‘pag bumalik muli ng bansa ay tatawagan niya si Zyrus para muling mamasyal  sa Cebu para mas malibot ang iba pang magagandang lugar doon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …