Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
MTRCB
MTRCB

Mga pelikulang may angkop na klasipikasyon mula sa MTRCB, gabay ng pamilyang Filipino sa panood sa mga sinehan ngayong linggo

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BILANG pasakalye sa Chinese New Year, anim na pelikula ang binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng karampatang klasipikasyon para sa ikaliligaya ng manonood.

PG (Patnubay at Gabay/Parental Guidance) ang “Her Locket,” na humakot ng 8 awards sa 2024 Sinag Maynila Film Festival.

Ipinaalala ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak sa tamang pagpili ng mga panonoorin.

“Habang may mga eksena na posibleng naglalarawan ng ilang sensitibong paksa, tayo, bilang mga magulang ay laging handa na sagutin ang mga tanong ng ating mga anak,” sabi ni Sotto-Antonio.

Rated R-13 naman ang “Presence” at mga edad 13 pataas lamang ang puwedeng manood nito dahil sa ilang masisidhing eksena.

R-13 din ang “Flight Risk,” “Death Whisperer 2” at “Overlord: The Sacred Kingdom” na may mga temang hindi angkop sa edad 12 at pababa.

Habang ang “Anora,” mula sa libro ni Sean Baker, ay R-18 dahil sa mga eksena, lengguwahe at maselang paksa na bagay lamang sa edad 18 at pataas.

Tiniyak ni Sotto-Antonio sa publiko na ang mga pelikula ay dumaan sa tamang proseso para mabigyan ng angkop na klasipikasyon para sa kapakanan ng mga manonood,  partikular ang mga bata.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …