MATABIL
ni John Fontanilla
“I need to drop everything.” Ito ang pahayag ni Alden Richards sa interview ng 24 Oras kaugnay sa pananahimik nito sa social media.
“Walang makapipigil sa akin kahit sino when it comes to family,” giit ng aktor.
“If something goes wrong or something happens, Of course, we live in a very demanding world of showbizness.
“But iba kasi ‘yung usapan kapag pamilya na eh. Of course, a lot of people and a lot of kababayan can relate to that,” pahayag pa ni Alden.
Sa pagkalawa ng lolo ni Alden ay mas nakita nito ang kahalagahan ng pamilya. Sana nga ay maintindihan at irespeto ng netizens ang pananahimik ni Alden sa social media.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com