Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alma Concepcion Lolong

Alma Concepcion, excited sa role sa Lolong Book-2

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Alma Concepcion ang kagalakan na bahagi ulit siya ng Book-2 ng seryeng Lolong ng GMA-7 na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.   

Ano ang role niya rito?

Paliwanag ng aktres, “Ang role ko sa Lolong, ako po si Ines na tiyahin ni Lolong na since ulila na si Lolong, kami na ang gumabay sa kanya at saka ako rin ang healer ng Tribu Atubaw.”

Pagpapatuloy pa ni Alma, “Sobrang tuwang-tuwa ako dahil pinagkatiwalaan nila akong muli na gampanan ang papel na Ines. Lalo na, na hindi naman lahat ay naulit sa Book 2, kaya maiko-consider ko ito na blessing.

“Plus, excited ako dahil ang role na Ines ay something talaga na hindi ko pa nagagawa sa buhay ko.

“Dahil si Ines, sa Book 1 ay baliw-baliw siya. Tapos ngayon… siyempre sanay ako sa mga kontrabida roles, eto mabait ang role ni Ines dahil siya iyong parang nanay-nanayan ni Ruru.”

Nabanggit din niya ang kaibahan ng Book 2, sa naunang version ng Lolong.

Aniya, “Ang kaibahan ng Lolong 2 ngayon sa nauna, kasi iyong Lolong 1 ay hindi naman namin ine-expect na magiging number-1 siya. Pero ngayon, mas maraming characters… I think 35 na artistas…

“Kaya kami rin ay excited kung paano mabubuo ang istorya. Kasi, by the week namin nakukuha iyong script.

“So very surprising, na pati kami ay nasu-surprise sa mga script.”

Tiniyak pa ni Ms. Alma na talagang kabang-abang Book 2 ng  Lolong.

“Oo, super kaabang-abang talaga iyong Book 2, kasi after the success ng Lolong 1 at ng success ng Green Bones, eto rin is under ng GMA Public Affairs. So, talagang mas nag-level up ang GMA Public Affairs.

“At saka siyempre may pressure rin kung paaano mame-maintain ang pagiging number 1. Kasi kung dati ay nag-number 1… so dapat ngayon mas talagang… Kaya tinatawag nga nilang, mas Dambuhalang Comeback itong Lolong.”

Bukod kay Ruru, tampok din sa Lolong Season 2 sina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Maui Taylor at Ms. Jean Garcia.

Nagbabalik naman dito bilang Kapuso si John Arcilla, with Rocco Nacino, Martin del Rosario, Klea Pineda, and Ms. Tetchie Agbayani. Victor Neri, Nikki Valdez, Bernadette Allyson, Boom Labrusca, Jan Marini, Gerard Pizarras, Archi Adamos, Nicco Manalo, Nikko Natividad, John Clifford, Waynona Collings, Shamaine Buencamino, Rubi Rubi, Inah Evans, Barbiengot Forteza, Joe Vargas, Karenina Haniel, and Mr. Leo Martinez at ang child stars na sina Ryrie Sophia at Drey Lampago.

Ito’y mula sa pamamahala nina Direk Rommel Penesa and King Baco

Nasimula na ito last January 20 at napapanood Lumes hanggang Biyernes ng gabi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …