Monday , May 12 2025
Sara Duterte Zaldy Co

Pagsibak kay Zaldy Co karma sa panggigipit kay VP Sara  — Duterte supporters

PINURI ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte ang pagtanggal kay Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co bilang pinuno ng House Committee on Appropriations at sinabing ‘karma’ umano ang nangyaring ito sa kanya dahil sa mga tirada ng mambabatas laban kay Vice President Sara Duterte.

Inalis si Co bilang chairperson ng committee on appropriations noong 13 Enero matapos ang mosyon ni Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na ideklarang bakante ang puwesto.

Agad itong inaprobahan ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa parehong araw, naglabas ng pahayag si Co na nagsasabing nagbitiw siya sa puwesto dahil sa health concern, na ayon sa mga netizens ay paraan niya para piligtas ang sarili’ sa kahihiyan dahil sa mga kontrobersiya sa pambansang badyet kamakailan.

Kilala si Co bilang kritiko ni Duterte. Nagkaroon ng ‘word war’ ang dalawa dahil sa kanyang pambabatikos sa confidential fund ng opisina ni Duterte, at hinamon ng mambabatas ang bise presidente na ibalik ang umano’y ibinulsang pondo.

“Sunod-sunod na ang karma at pagkawatak-watak ng mga buwaya sa kongreso; malapit na ang katapusan ninyo,” komento ng isang netizen sa social media.

Pinuri ng ilang netizens ang pagkakatanggal ni Co sa puwesto, at sinabing matagal na itong tapos dahil sa umano’y mga anomalya sa pagpasa ng 2025 national budget.

Nag-veto ng P194 bilyon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ng mga line item na itinuring niyang hindi alinsunod sa kanilang programmed priorities nang pirmahan niya ang national budget noong nakaraang taon.

Sinabi rin ng ibang netizens na panahon na rin para imbestigahan si Co tulad ng ginawa niya kay Duterte dahil sa umano’y naugnay siya sa iba pang malalaking eskandalo sa katiwalian, kabilang ang kaso ng Pharmally.

“Magtatago na habang may pagkakataon pa… Hahaha… pwede nang imbestigahan ang mga flood control project na connected kay Zaldy Co ang nakakuha ng [kontrata],” ayon pa sa isang netizen.

About hataw tabloid

Check Also

Bagong Pag-asa sa Bagong Balayan, dinagsa!
Miting de Avance Dinagsa

EMOSYONAL na nagtapos ang miting de avance ng Team Bagong Balayan sa pangunguna ni mayoralty …

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …