Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gela Atayde Time To Dance

Gela Atayde pasadong host sa Time To Dance 

MATABIL
ni John Fontanilla

PASADO bilang baguhang host ang tinaguriang New Gen Dance Champ na si Gela Atayde sa pinakabagong reality dance contest ng ABS CBN Studios at Nathan Studios na nagsimulang mapanood last Saturday, ang Time To Dance.

Tama ang tinuran ni Robi Domingo na mahusay si Gela bilang baguhang host.

Malayo nga ang mararating ni Gela when it comes to hosting kung magpo-focus ito at mabibigyan pa ng ibang hosting job.

Speaking of Time To Dance, very exciting at maganda ang pagsisimula nito at kaabang-abangan ang mga mangyayari lalo’t mahuhusay ang mga contestant dito.

Masarap din panoorin at malaman ang kuwento ng buhay ng mga contestant at dahilan kung bakit sila sumali sa Time To Dance.

Kaya abang-abang lang tuwing Sabado at manood ng Time To Dance na makakasama rin dito nina Gela at Robi bilang Dance Coach sina Vimi Rivera ng Legit Status, Ken San Jose (na produkto ng World of Dance PH), AC Bonifacio, at ang total performer na si Darren Espanto.

Ang Time Dance ay mapapanood  sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, MYX, at WantTFC.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …