Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Quan

Richard Quan, na-excite sa TV series na ‘My Ilonggo Girl’

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSIMULA na this week ang bagong TV series ng Kapuso Network titled ‘My Ilonggo Girl’.

Kabilang sa casts nito sina Jillian Ward, Michael Sager, Arlene Muhlach, Andrea del RosarioEmpoy MarquezLianne ValentinArra San AgustinTeresa Loyzaga, at Richard Quan.

Nakahuntahan namin thru Facebook si Richard at ilan sa inusisa namin sa kanya ang hinggil sa naturang serye.

Ano ang role niya rito at paano niya ito ide-describe, drama ba ito, romcom na may pakilig?

Tugon ni Richard, “Ang role ko rito ay si Sir Gov Palma, successful business man – shipping lines, real estate at restaurant… father siya ng character ni Mike Sager na very strict.

“Pero disappointed siya sa kanyang anak dahil mataas ang expectations niya rito.”

“Both, romcom na may drama bale ito,” esplika pa niya.

Former politician ba ang role niya rito?

“Hindi siya politician, iyong GOV ay abbreviation ng name nya na Gregorio Orlando Vicente.”

Nag-start na ito last Monday, ano ang dapat i-expect ng viewers dito?

“Isa siyang feel good TV series with roller coaster ride ng emotions. Mabilis ang pacing and first time rin ni Jillian Ward na gumanap ng dual role.”

May kakambal ba si Jillian dito? “Doppleganger, magkamukha lang sila,” matipid na tugon niya.

Ano ang masasabi niya sa casts, lalo na sa lead stars dito?

“Sina Jillian at Mike parehong chill lang, magaan katrabaho, at impressive yung pagiging humble nila at professionalism. Pareho rin silang focus sa work and respectful. Other cast are easy to work with.”

Dahil sa tagal na niya sa showbiz industry, may projects o role pa ba na magpapa-excite sa kanya?

Aniya, “Yes, exciting sa akin itong My Ilonggo Girl, kasi same production at director eto ng Makiling project, pero TOTALLY OPPOSITE character ang ibinigay nila sa akin. I am grateful and honored na pagkatiwalaan nila ng wide range of characters, iyon pa lang excited at motivated na ako

“Hopefully maging successful ang My Ilonggo Girl,” masayang wika pa ni Richard.

Nabanggit din ng versatile na aktor na may magandang chemistry rito sina Jillian at Mike.

“Yup, mayroon silang chemistry and yes, maraming scenes na pangpakilig na mapapanood dito.”

Mula sa pamamahala ni Direk Rado Peru, napapanood ang My Ilonggo Girl every Monday to Thusday, 9:35 pm.

Aside sa My Ilonggo Girlano pa ang ibang project na aabangan sa kanya?

“Sa June, ipapalabas yung How to Get Away From My Toxic Family, si Zanjoe Marudo ang bida rito, directed by Lawrence Fajardo,” sambit pa ni Richard

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …