Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Diane de Mesa

Bagong single ni Diane de Mesa na ‘Di Pa Huli,’ out na sa Jan 23 sa lahat ng digital platforms

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAY bagong single ang US based Pinay nurse at singer na si Diane de Mesa. Pinamagatang ‘Di Pa Huli’ at kabilang ito sa second single ng kanyang sixth studio released album.

Paano niya ito ide-describe? Love song ba ito?

Esplika niya, “Ang Di Pa Huli ang second release single ko from my sixth studio album, “Begin Again”.

“Ang kantang ito ay para sa mga umaasa na puwede pa sana silang mapansin! Tungkol sa may mga “crush” pero mayroon nang iba iyong gusto nila, kaya sana ay “di pa huli” at may pag-asa pa rin sana!”

Dagdag pa ni Ms, Diane, “Love song din ito kahit tungkol sa isang lihim na umiibig, na sana ay magkaroon pa ng pag-asa. Pero hindi naman siya hugot na ballad, actually may tunog na 80’s siya at I like this one, kasi medyo upbeat at catchy ang melody.”

Nalaman din namin na lahat pala ng songs niya ay siya mismo ang nag-compose. “Yes, lahat po ng songs ko ay ako ang nagsulat o nag-compose.

Sa awiting ito, ako ang nag-compose at si Oliver Coderes ang nag-areglo. Si Obet Rivera naman ang naglagay ng special guitar lead solo.”

Saan siya kumukuha ng ideas sa pagsusulat ng songs?

“Maliban sa sarili kong experience, I also get my inspiration sa ibang mga kanta, teleseryes, at mga pelikula.

“Marami rin ay sa imagination ko na lang, na paano kunwari kung ganito ang nararanasan ko at inilalagay ko na lang ang aking sarili sa sitwasyong iyon.”

May plano ba siyang mag-show dito sa ‘Pinas? “Sa ngayon ay wala pa kuya Nonie, pero I hope next year ay maulit muli na ako ay mag-concert sa Filipinas kung iloloob ni Lord.

“Mahirap din kasing mag-plano, lalo pa’t nasa US ako at kailangan ng matagalang plano ito ulit,” tugon niya.

Kung sakali, sino ang wish niyang maging guest and why, at saan ang venue?

“Kung sakaling papalarin at magka-concert muli, nais kong sa mas intimate setting ang venue. Sana sa 19 East or other bars. Nais kong i-feature ang mga indie artists na kasama ko sa industriya.”

Paano niya ide-describe ang kanyang sixth album?

“My 6th album, Begin Again ay puro mga sad love songs, hugot and break up songs, mostly. Mayroon ding inspiration to move-on and stand up for yourself again after a breakup.”

Noong nag-start siya as a singer/recording artist, pumasok ba sa isip niya na makakagawa siya ng anim na albums and more to come?

“Actually, hindi ko naman siya naisip na makakarating ako sa 6th album. Pero as years go by, parami nang parami ang naisusulat kong mga kanta at kahit siguro 10 albums ay makakaya kong gumawa ngayon. Kaya lang, di ko naman yun pwedeng i-release nang sabay-sabay!” Nakangiting wika pa niya.

Paano niya ide-describe ang takbo ng kanyang singing career?

Lahad ni Ms. Diane, “Masaya naman ako dahil marami rin akong streams sa Spotify, pero sana ay mas ma-discover pa ang aking mga awitin. Actually, perfect kasi ang mga kanta ko lalo na as teleserye or movie theme songs. Iyon talaga ang dream ko!”

May MTV ba ang kanyang latest single?

“Ang official music video po of Di Pa Huli will be released on January 23, 2025 at 12:00 p.m. Philippine time. Grand launch nito ay during DDM Studio Live “Notes From The Heart” na may Facebook Live broadcast ako bilang VJ Diane.

“Kaya po you can listen and download ‘Di Pa Huli and all of my other songs on Spotify and all other digital platforms. Thank you!” Masayang sambit pa ni Ms. Diane.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …