Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc, sumabak na rin sa politika

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAHALAGANG taon at malaki ang magiging pagbabago ng 2025 sa singer, lawyer, businessman, at dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Board of director na si Jimmy Bondoc. Bukod kasi sa ikakasal siya ngayong February, sumabak na rin sa politika si Jimmy.

Nag-file siya ng kanyang certificate of candidacy sa Manila Hotel Tent City last October 6, 2024. 

Nagtapos siya sa University of the East College of Law at nakapasa sa 2023 Bar Examinations. Isa ring alumnus ng Ateneo De Manila University si Jimmy sa kursong AB Communication.

Siya rin ang nasa likod na sumikat na kantang ‘Let Me Be The One’ noong 2004.

Sa kanyang tsikahan with the entertainment press, nasabi niya ang apat na immediate concerns na gustong pagtuunan nang pansin kung sakaling papalarin daw siyang maging senador.

Ito ay ang:

1. Institutionalize anti-corruption policies;

2. Restore diplomacy in the legislature;

3. Criminalize hospital detention by amending the anti-hospital detention act; and,

4. Eradicate hunger especially among children by strengthening nutrition policies and public health programs.

Nabanggit din ni Jimmy na gusto niyang maging boses sa senado ng entertainment industry sa paglikha ng treaties para magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa ibang bayan para mapa-unlad pa ang turismo at makilala ang kultura ng Filipino sa buong mundo.

Unang napagdesisyonan ni Jimmy na sumabak sa politika bilang kandidato ng party list na BOSES (Bagong Organisasyon sa Sektor ng Entablado at Sining). Ngunit kalaunan ay nagbago siya ng isip dahil naniniwalang mas malaki ang tsansang manalo sa national election.

Anyway, si Jimmy ay ikakasal next month sa kanyang longtime girlfriend at kapwa abogadong si Atty. Isabel Torrijos.

Present kami nang nag-propose noon si Jimmy kay Atty. Torrijos last June 5, 2024 sa Aromata Bar na pag-aari ni Jimmy.

Habang naka-set dito ang astig at favorite naming bandang InnerVoices ni Atty. Rey Bergado ay nagkaroon nga ng announcement at sinorpresa ni Jimmy si Atty. Isabel nang lumuhod siya sa harap nito at ilabas ang singsing.   

Sina Jimmy at Ms. Isabel ay seven years nang magkasintahan at naninawala si Jimmy na ito na ang tamang pagkakataon na magpakasal bago siya sumabak sa politika.

Ang kanilang kasal ay gaganapin sa February 2, 2025 sa The Manila Cathedral, at ang reception ay susunod sa historic na Manila Hotel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …