Wednesday , January 8 2025
Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang mga kasamahang senador na aprubahan na ang panukala niyang ideklara bilang National Historical-Cultural  Heritage Zone ang Quiapo sa Maynila.

Ang panukala na may Senate Bill No. 1471, tinukoy ni Sen Lito na malaki ang naging bahagi  ng Quiapo sa  paghubog at paglinang ng ating kasaysayan, tradisyon, sining, kultura, turismo, relihiyon, at ekonomiya.

Ayon kay Lapid, chairman ng Senate Committee on Tourism, malaki ang ambag ng Quiapo sa turismo, religious beliefs, tradisyon, at kultura na siyang sentro noon ng kalakalan bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop, gaya ng mga Kastila, Hapones, at Amerikano.

Dahil kinikilala natin ang kahalagahan ng Quiapo sa ating kultura at kasaysayan, at ‘di matatawarang ambag sa pambansang  kaunlaran, dapat lamang ipakita ng pamahalaan ang kanyang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagtakda sa Distrito ng Quiapo bilang isang Historical and Cultural Heritage Zone,”giit ni Lapid na gumaganap na Supremo(Primo) sa FPJ’s Batang Quiapo.

Sinabi pa ni Lapid na hinango ang pangalang “Quiapo” mula sa “Kiapo”(scientific name: stratioles pistia), isang klase ng water lily na kahawig ng repolyo na karaniwang nakikita sa estero ng Maynila bago pa sakupin ng mga Español ang Pilipinas.

Nang dumating ang Franciscan missionaries sa Maynila, itinatag nila ang Minor Basilica of the Black Nazarene na pinaglalagakan ng rebulto ni Nuestro Padre Jesus Nazareno na dinarayo ng mga deboto tuwing Enero 9 at ipinagdiriwang ang kapistahan nito.

Nang dumating ang mga Augustinian, nagtayo rin sila ng St. Sebastian church.

Dito rin matatagpuan ang Globo de Oro o ang kauna-unahang Mosque, Masjid Al-Dahab ng mga kapatid nating Islam.

Ang Quiapo rin ang nagsilbing saksi ng kasaysayan, kabilang na ang Plaza Miranda bombing na ikinasugat ng ilang senatorial candidates noong August 23, 1971.

Matatagpuan din sa Quiapo ang mga koleksiyon ng historic homes at iba pang antigong estruktura.

Sa isang blog ni Pio Andrade Jr., tinalakay niya ang American colonial period na naging sentro ang Quiapo ng news publishing, tulad ng El Renacimiento at Philippines Free Press.

Sinabi ni Lapid na layunin ng kanyang bill na muling buhayin ang Quiapo bilang sentro ng ekonomiya, paglikha ng mga bagong recreational facilities, at iba pang adventure opportunities, habang pinangangalagaan at iniingatan ang heritage and cultural integrity ng distrito. 

About hataw tabloid

Check Also

John Estrada Barbie Imperial

John umalma pag-uugnay kay Barbie 

MA at PAni Rommel Placente PUMALAG at hindi nagustuhan ni John Estrada ang kumakalat na isyu sa social …

Skye Gonzaga

Skye Gonzaga, masayang pagsabayin pagiging sexy actress at DJ

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Skye Gonzaga sa mga sexy actress na masarap …

Jak Roberto Barbie Forteza David Licauco

BarDa mas may future bilang reel/real tandem

PUSH NA’YANni Ambet Nabus USAPANG break-up nina Barbie Forteza at Jak Roberto ang isa sa 2025 pasabog sa showbiz. …

Gina Alajar Mon Confiado Shamaine Buencamino

Gina, Mon, Shamaine damay sa bashing ng netizens kay Darryl

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AGAD din namang may kumuwestiyon sa batikang aktres/direktor na si Gina Alajar na gumaganap daw …

Darryl Yap The Rapists of Pepsi Paloma

Pasabog ni direk Darryl patok na patok

PUSH NA’YANni Ambet Nabus WHETHER we like it or not, marami ang pumapatol sa pasabog na …