PINALAWIG pa ang pagpapalabas ng 10 entry ng 2024 Metro Manila Film Festival kaya may pagkakataon pa ang publiko na mapanood ang mga pelikula.
Kaya may pagkakataon pa hanggang Enero 14 na mapanood ang mga pelikulang kalahok sa MMFF. Dating hanggang January 7 lamang ang pagpapalabas ngunit na-extend nga ito hanggang January 14 sa mga piling lokal na sinehan lamang.
Ang sampung pelikula ay kinabibilangan ng ng Topakk, Uninvited, Green Bones, Isang Himala, The Kingdom, Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, Espantaho, And the Breadwinner is…, Hold Me Close, at My Future You.
Lubos na nagpapasalamat si MMDA and MMFF Chairman Atty. Don Artes dahil sa patuloy na pagsuporta ng publiko sa film fest.
Aniya, “We, at the MMFF, are overwhelmed with the continued support of the public for the festival’s 50th edition. Due to public clamor, we have decided to extend the theatrical run of the MMFF movies to further showcase the locally produced films that are truly impressive and artistically excellent.”
At dahil sa extension, ang MMFF complimentary passes ay ma-e-extend din hanggang January 14.
Inaasahang tataas ang kita sa ticket sales ng MMFF 2024 sa extension.
Ang mga malilikom mula sa MMFF ay mapupunta sa ilang benepisyaryo ng film industry. Kabilang na ang Movie Workers Welfare Foundation (Mowelfund), Film Academy of the Philippines, Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Development Council of the Philippines (FDCP).